"Dito miss magtago ka!" aya ni Jovanni sa babaeng kasama ni Shaymay. Pinahiram na rin niya ito ng maisusuot na damit pero nasa ibaba lamang ito at siya naman ay nasa ibabaw ng mga batuhan ng naglalakihang bato kaya inaya niya ito sa taas dahil nag-iingat lamang siya. Ramdam na naman kasi niya na nasa paligid na naman ng kweba ang mga tauhan ni Ezekiel. Tumalima naman ang babae, mabait naman ito at masunurin dahil mas hamak na bata pa ito sa kanya. Mas bata pa nga ito kay Shaymay, kaya naman sumusunod ito sa kanya hindi katulad ni Camille na napakatigas ng ulo. Inalalayan niya ito sa pagkaakyat. "Salamat po kuya, kailan po kaya aalis ang mga iyan sa paligid natatakot po kasi talaga ako," nanginginig ang boses na tanong nito sa kanya. "Wag kang matakot Lei, aalis din ang mga iyan," ano