Pumikit muli ang arkanghel na nakasanib pa rin sa katawan ni Mira at maya-maya lamang umusal ito ng iba't-ibang lengwahe habang nakadipa. "Aaahh, napapaso ako! Ang sakitttt..." daing ni Shane. "Ang init sobra!" daing naman ng kanilang pinuno. Maya maya ay nakarinig sila ng tila tunog ng mga helicopter sa kalawakan kasunod niyon ang tila mga putok ng baril sa paligid at ang ilan ay tila putok ng bomba. Agad siyang napangiti dahil mukhang nakarating na sa gobyerno ang kanilang problema mukha ang mga pagputok ng baril at pagsabog na naririnig nila ay mula sa mga karatig na nayon na sinalakay na nila Ezekiel at marahil ang mga zombie ang kalaban ng mga taga gobyerno. Ngayon lalong lumakas ang loob nila kaya naman heto na lamang ang kanilang problema si Ezekiel ngunit mukhang matutupok