Ngunit bago pa man tuluyang makalayo ang kanyang mga magulang kasama sina Lyka at ang iba pa. May narinig silang isang malakas na hagupit na animo nang galing sa kung saan. Paika-ika siyang papalapit kay Melvin para sana atakihin ito ngunit, bigla itong napasigaw at tila namilipit sa sobrang sakit. Kahit siya ay natigilan din at nagulat sa nangyari. "UHHHhhHh! Tama na po masakit!" daing nito na ikinagulat din ng lahat napalingon pa nga ang mga kasamahan niyang papatakas dahil sa nangyari. Kinabahan siya ng marinig ang mga yabag ng tila napakaraming tao na papalapit sa kanila, iniisip niya na parating na sa kanila ang mga natitira pang mga zombie. Bigla naman lumitaw Ezekiel mula sa likuran ni Melvin at may hawak hawak itong tila mahabang latigo. Ito marahil ang dahilan kung bakit nak