"Camille ibaba mo ang kutsilyo na yan huwag mong gawin yan. Isipin mo mga magulang mo naghihintay sa'yo, wag kang padala sa hirap ng pinagdadaanan mo. Tatapusin mo ang buhay mo? Narinig mo naman siguro ang sinabi kanina ni Ezekiel, gusto mo ba na ganoon? Na kahit na mamatay na tayo mabubuhay nya ang pa rin tayo at gagawin niya tayong mga alagad, taga sunod niya syempre alam mo na kung anong gagawin niya sa atin. Itutuloy lang niya ang kahayopan niya sa'yo at ang nakakalungkot pa doon hindi mo na makikilala ang mga magulang mo dahil iba ka na pag mabuhay kang muli. Papatay ka na ng mga tao, magiging kasing sama mo na ang demonyo na yan at baka nga kahit mga magulang mo kapag nakita mo ay patayin mo sila at itulad sa mga bangkay na nasa toril. Kaya please lang wag kang magpadala sa kanya kay