"S-Shaymay!" bulalas ni Camille ng makita siya ang nasa kulungan. Parang na gawa lamang ito sa tila underground na pinagkulungan sa kanya nasa loob siya ng tila isang kulungang yari sa matitibay na kahoy. Tiyak na ang matibay iyon dahil kahit na paulit-ulit niya iyong ginagalaw at tinatangkang buksan ay hindi man lang iyon gumalaw kahit kaunti. "Camille!" bulalas naman niya. Ipagpasalamat niyang nalaman na buhay pa pala ito ngunit napansin niya ang maraming pasa nito sa katawan lalo na sa bandang mukha. Mabilis na lumapit ito sa kanya at hindi napigilan ang umiyak ng umiyak na tila bata habang patuloy sa paghikbi. "Hay*p siya Shaymay, hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong makita kayong muli, umasa ako na mailigtas nyo dahil sa una lang niya ako itinuring ng maayos. Nitong mga nakara