Mabilis na tumakbo si Camille at si Lei patungo sa kinaroroonan ni Monching. Sumunod naman siya sa mga ito pero ang lahat ng zombie na nandoon sa lugar na iyon ay papalapit na sa kanila, wala silang matakbuhan dahil halos nakapalibot ang mga ito sa kinaroroonan nila. Maging ang daan patungo sa hangganan ay marami na ring zombie na nakaabang. "Monching ano gagawin natin ngayon? Papaano pa tayo makakaalis dito ng buhay?" tanong ni Lei kay Monching na mababakas ang takot sa mukha nito. "Hindi ko nga rin alam eh! Wala na tayong mapupuntahan, pero hindi tayo maaaring mamatay ng hindi lumalaban. Hawakan nyo ang inyong mga sandata hindi sila kasing lakas at liksi ng mga alagad ni Ezekiel kaya maaari tayong lumaban sa kanila pero ingatan ninyo na wag na wag kayong makagat o kahit masugatan man l