Agad na ginapang ni Monching ang zombie na malapit. At agad na sinaksak ang ulo nito para tuluyan na itong mawalan ng buhay. Ilang sandali pa at marahan na niya itong hinila patungo sa pinagkukublihan nila. Wala pa man pero kanya-kanya na sila ng pagduduwal dahil hindi talaga nila kaya ang amoy ng nabubulok na katawan ng zombie pero wala na silang ibang paraan pa heto lang naman ang nag-iisang paraan. Para makaalis sila sa kagubatan. Winakwak ni Monching ang tiyan ng zombie na kanilang pinatay at sinimulan ng maglagay ng nangingitim at mabahong dugo nito sa buong katawan. Kinuha pa nito ang ilang bituka na inuuod na at isinampay sa balikat nito para mas sigurado itong kasing amoy na rin ito ng mga zombie. Hiling lamang niya ay effective sana ang kanyang naisip dahil kong palpak, sigur