May isang nilalang na nakatuon ang paningin sa apat na taong lumabas mula sa makipot na bukana na iyon ng kweba. Hindi man lang nila naisip na isa palang kweba iyon, kaya naman pala kahit anong hanap nila noon sa mga ito ay hindi nila mahanap-hanap ang pinagtataguang lugar. Iyon pala ang inaakala nilang dalawang bato lamang noon na magkadikit ay meron palang maliit na lagusan papasok sa loob. Tiyak na ang nasa loob ang mga kasamahan ng apat na lumabas kanina. Nais sana niyang puksain ang apat pero naisip niya na ang inuutos nga pala sa kanya ng kanyang panginoon ay gawing pain ang kanyang mga anak sa pinsan nitong si Mira para mapilitan ng bata na sumama sa kanya. Minabuti ni Melvin na hindi na siya magsama ng iba para gawin ang kanyang misyon dahil wala na siyang tiwala sa mga ito lalo