Samantala sa kweba. "Ate Shaymay sabi po ng aking kaibigan na malaking ibon marami daw po ang sa ngayon ang nangangambang nayon. Dahil nanalakay daw po ang tropa ni Ezekiel sa mga karatig nayon natin. Dalawang nayon po ang sinalakay nila at ngayon ay wala ng natitirang normal na tao sa kanila. Ano na po ang ating gagawin? Hahayaan na lang po ba natin siya na gawin ang bagay na iyon?" nag-aalalang wika ni Mira kay Shaymay ng lumapit ito sa kanya. Nagkatinginan na naman sila ni Jovanni dahil nag-aalala sila sa iba pang mabibiktima na nayon ng grupo ni Ezekiel. Kung si Shaymay ang tatanungin nais sana niyang tulungan ang mga karatig bayan na sinasalakay ni Ezekiel ngunit hindi nila alam kung paano sila makaka labas ng sitio at isa pa hindi rin sila ganon kalakas para matalo ang mga ito.