Sa isang malapit na ngayon sa Sitio Sinakulo sumalakay ang pangkat ni Ezekiel. Kasama ang mga zombie na kanyang alagad, hindi man ganon karami ang kanilang kasamang zombie pero sa bawat makagat ng mga ito ay nagiging kauri na rin nila kaya naman ang kakaunting zombie na kanilang kasama ngayon ay napakarami na. Tuwang-tuwa naman si Ezekiel sa kanyang nasasaksihang tagumpay sa pagsalakay sa nayon na iyon. Na sa isang iglap ang lahat ng mga nakatira sa nayon na iyon ay naging kauri na ng kanyang mga alagang zombie. Maging ang mga alagang hayop na katulad na lamang ng aso at baboy ay hindi pinalampas ng kanyang mga alagad kaya naman ngayon patungo naman sila sa isa pang nayon na karatig din ng nayon na kanilang sinalakay. Batid niyang gumagawa na rin ng plano ang mandirigma na sugo ng kalang