"Bakit mo pa niligtas ang babaeng iyon, dapat lang naman talaga sa kanya na parusahan dahil sa panlilinlang niya sa akin! Niloko niya ako, ginamit niya ang pagmamahal ko sa kanya para makapag higante. Mabuti na lang at kahit anong pananakit niya sa akin hindi niya ako mapatay. Tapos ngayon, nais mo pa syang iligtas, napakasaya ko pa naman kanina ngunit saglit na kaligayahan lang pala ang lahat ng iyon dahil may iba siyang nais. Ginamit lang niya ang pagmamahal ko para makapaghigante sya para sa kapatid niyang nawawala!" galit na wika ng kuya Zandro ni Shaymay. "Kuya may karapatan siyang magalit kahit kanino mangyari ang nangyari sa ate niya gagawin din iyong ginawa niya. Sino ba kasi iyong babaeng sinasabi niya? Hindi ba pwedeng pakiusapan mo na lamang si Ezekiel na ibalik siya sa kanila