Mabilis na tumakbo si Shaymay papasok sa kanilang bahay dahil narinig niya ang pagsigaw ni Shane na animo nasasaktan. "Hayop ka! Hayop ka pinatay mo ang ate ko! Sa dinami-rami ng tao sa plaza bakit ang ate ko pa ang dinukot ninyo! Papatayin kita! Papatayin kita halimaw ka!" galit na galit na sigaw ni shan sa kanyang kuya. Nagulat naman siya sa naabutang tagpo dahil akala niya ay maayos ang dalawa pero heto at butas butas ang katawan ng kanyang kuya dahil sa walang tigil na pagsaksak ng kutsilyo ni Shane sa katawan nito. Hindi niya malaman kung ano ang gagawin kong pipigilan ba niya ito o hahayaan na lang ito hanggang sa mapatay na nito ang kanyang kuya. Ngunit sa ginagawa nitong pagsaksak dito alam niya na kahit pa ilang libong saksak ang gawin nito sa kanyang kuya ay hindi nito iyon ma