"Nailibing nyo na ba ate si Mang Jun?" tanong niya kay minerva habang naka ngiting nakatingin kay nila na noon ay abala sa pakikipaglaro sa ama. "Oo naman Shaymay, inilibing din agad namin siya. Kasi talagang napakabilis mabulok ng kanyang katawan kaya hindi na namin siya ibinurol. Inilibing agad namin, hindi na rin kayo nasabihan dahil talagang nagtutulnas na siya Shay, kaya iyon pinadasalan na lang namin. Sa tingin ko naman naging okey na siya doon kahit papano. Sana matahimik na siya dahil ngayon nahihimlay na siya, sa wakas makakapagpahinga na rin siya. Ang hiling ko lang ay mapatawad siya ng poong maykapal sa mga nagawa niyang kasalanan dito sa lupa," mahabang pahayag ni Minerva. "Mabuti naman kung ganon, atleast kahit papaano makapagpahinga na rin ang iyong isipan. Maging ang ga