"Ito na siguro pinuno ng iyong sinasabi ng kapatid ni Shaymay na daan patungo sa underground ng kubol ni Ezekiel," wika niya sa kanilang pinuno habang si Mira naman ay hawak hawak niya sa kamay. Batid niya na kakaibang ang bata dahil malamig ang buong katawan nito at napansin din niya na medyo masangsang na rin ang amoy nito, katulad ng mga alagad ni Ezekiel. Doon niya napagtanto na kauri na rin ito ng mga kalaban, iyon nga lang kakaiba ang ugali nito animo normal lamang ito na bata kung makipag-usap at kumilos, palagi din itong gumagamit ng po at opo. Tsaka hilig pa rin nitong makipaglaro lalo na sa kanyang pamangkin na si Lila. Kanina rin nasubukan niya ang kakayahan nito dahil muntik ng madulas si Lyka, ngunit sa isang iglap ay natulungan agad ng bata na hindi nila napansin kung pa