"Aba mukhang may nakapasok na namang daga sa aking lungga," nakangising wika nito na kitang-kita ni Jovanni. Hindi niya tiyak kung daga nga ba ang binabanggit nito napansin na talaga siya nito. Kung totoong napansin naman siya nito imposibleng hindi ito gumawa ng hakbang, napakadali lang nitong paslangin siya lalo pa at hawak hawak nito ang tungkod na sa tingin niya ay ang tungkod na sinasabi ni Shaymay. Kayang-kaya ang lumikha ng kung anong gusto nitong bagay o kahit na anumang uri ng nais nitong maging katulad ng sinumang matatapatan ng mahiwaga nitong tungkod. Nakahinga lamang siya ng maluwag ng maramdaman papalayo na ang yabag nito pero naririnig pa rin niya ang nakakarindi nitong halakhak. "Shaymay paano ba iyan, paano kita matutulungan? Nasaksihan ko isang beses ang pagpapahira