"Ate Lyka!" sigaw ni Shaymay. "S-Shay!" mangiyak-ngiyak na bigkas nito sa kanyang pangalan, tsaka bahagyang umiling. Parang ipinapahiwatig sa pag-iling nito na kahit anong mangyari dito wag na wag ipapaalam sa kuya Jovanni nito ang nangyayari para hindi mapahamak ang kapatid nito. Ang dalawang anak naman ni Lyka ay hawak ng dalawang kasamahan ni Melvin, habang walang tigil sa pag-iyak ang mga ito. Samantalang ang kanyang kuya Zander naman ay matalim ang tingin ipinupukol kay Melvin. Napansin di niya ang bangkay ni Mang Jun na nasa may paanan ni Melvin habang si Melvin naman ay nanlilisik ang mga matang nakatitig kay Lyka. Punong-puno ng galit ang mababanaag sa mga mata nito ngayon na halos namumula na. Ang mga kapitbahay naman na pawang natatakot ay minabuting manatili na lamang sa lo