"Ito na anak ang tubig, uhaw na uhaw ang baby ko ah. Inom ka ng marami," mangiyak-ngiyak na wika ni Minerva sa anak si Mira, si Shaymay naman ay nasisiyahan nakamasid lamang sa mag-ina. "Ito ang unang beses na humingi siya ng tubig Shaymay kaya nasisiyahan talaga ako kasi sa tuwing umiinom iyan ng dugo ng baboy dugo, ng aso, o ng pusa hindi ko talaga mapigilang hindi umiyak kasi doon ko lang napagtanto na maling mali ang ginawa ko. Pero nakita ko kanina ang kabutihang dulot din nito, iyon bang pagligtas ni Mira kay Lyca kahit paano, n-nabawasan na ang pag-iisip ko na hindi talaga sa kanya nakabuti ang naging desisyon ko noon na buhayin siyang muli," tiyak na wika naman ito sa kanya. "At least ate kahit papano marunong na siya ngayong humingi ng totoong tubig kaya kahit papaano mabawasa