"Nasaan si Melvin bakit hindi ninyo kasama? Pati na si Jun bakit wala silang dalawa?" nagtataka ang tanong ni Ezekiel. Nasa kubol siya ng kanyang mga alagad dahil hindi na nga pwedeng magtungo ang mga ito sa kanyang kubol dahil sa kanyang mahal na si Camille. "Kanina po kasi panginoon may kakaibang nangyaring hindi namin inaasahan. May kung sinong lapastangan po ang na—," hindi na natapos ang sasabihin ni Zander dahil nangialam na si Zandro. "A-Ang ibig-sabihin po ni Zander panginoon. May pinuntahan na ibang lugar si Melvin at si Mang Jun kaya natagalan sila bago magtungo dito, hayaan niyo po at pagsasabihin ko na lang kapag nakita ko silang umuwi mamaya. Siya nga pala panginoon napakain na namin ang mga bangkay sa toril, sa totoo lang busog na busog sila dahil apat ang kinuha naming