Chapter 2

692 Words
Nanlaki ang mga mata ni Marcus nang marinig ang bagay na iyon. Wala siyang sinayang na sandali. Agad siyang tumakbo palabas ng opisina at pinahanda ang kotse patungo sa ospital. Kung may importanteng tao man sa buhay ni Marcus, iyon ay ang kanyang lola, ito kasi ang nag-alaga sa kanya mula bata siya. Ang mga magulang niya kasi, laging abala sa trabaho na ngayon ay nauunawaan na niya kung bakit. "Please, grandma. Please, huwag mo akong iiwan," parang batang pagmamakaawa ni Marcus habang nasa loob ng kotse. Pinipiga nito ang mga daliri niya upang mabawasan ang kaba. Sa pagdating ni Marcus sa ospital, halos madapa siya sa pagtakbo patungo sa silid ng kanyang lola. Bagsak ang balikat ni Marcus nang makita ang pinakamamahal niyang lola na nakaratay sa kama at may oxygen. "La, what happen? Ako ba? Ako ba ang may kasalanan?" sunod-sunod na tanong ni Marcus. Hinawakan ng daddy ni Marcus ang kanyang balikat, upang pakalmahin siya. "It's not your fault, son. Nagdidilig lang ng halaman ang lola mo nang bigla siyang matumba," salaysay ng daddy niya. Mahigpit na hinawakan ni Marcus ang kamay ng matanda, saka nilapit sa kanyang pisngi. "La, pangako, kapag gumaling ka, tutuparin ko ang hiling mo. Apo sa tuhod? Sige, kahit gaano pa karami," sunod-sunod na pagbitiw ni Marcus ng mga salita. Nagkatinginan na lang ang kanyang ama't ina sa mga bagay na sinasabi ng binata. Alam kasi ng mga ito kung gaano kamahal ni Marcus ang kanyang lola. LUMIPAS ang mga araw, natupad ang hiling ng binata at gumaling ang lola niya. Ngunit isang bagay ang nagpapasakit sa ulo niya ngayon, ang pangakong binitiwan niya noong araw na nasa ospital ang matanda. "What should I do?" inis na wika ni Marcus habang nakahawak sa kanyang ulo. Ilang beses na kasi niyang inisip kung paano siya magkaka-girlfriend. Matalas na tiningnan ni Marcus ang bodyguard na nakatayo sa harapan ng kanyang office table. "Ikaw! May girlfriend ka na ba?" sigaw ni Marcus. "P-Po, Sir? M-May asawa na po ako," nauutal na tugon ng lalaki. "Ganoon ba? Paano kayo nagkakilala?" usisa ni Marcus na akala mo ay imbestigador. "Ah... dati po kaming magkatrabaho, sir," animoy kinikilig pang wika ng lalaki. Inalis naman ni Marcus ang tingin sa lalaki saka muling bumalik sa harap ng kanyang laptop. "Walang kwenta," maiksing wika ni Marcus habang nag-se-search ng dating site sa internet. "S-Sir, kung hindi nyo mamasamain, bakit nyo po naitanong?" kinakabahang tanong ng bodyguard ni Marcus. Natigilan si Marcus at muling tumingin sa lalaki. "Kailangan ko ng babaeng mapapakilala ko kay lola. Nangako kasi ako sa kanya na kapag gumaling siya, tutuparin ko ang hiling niya," paliwanag ni Marcus. "Sir, sa yaman nyong 'yan, kayang-kaya nyong mag-hire ng asawa," saad ng lalaki na tila nagbigay ilaw sa isip ni Marcus. Tumaas ang kilay ni Marcus dahil sa sinabi niyang iyon. "Uso 'yan sa mga novel na nababasa ko, sir. 'Yung nag-hire ng asawa 'yung mayamang lalaki–" Natigilan sa pagsasalita ang bodyguard nang makitang nakatitig sa kanya si Marcus na animoy nangdidiri. "S-Sir, may problema po ba?" tanong ng lalaki. "Nagbabasa ka ng mga ganyang bagay?" nandidiring tanong ni Marcus. "S-Si Misis, sir. Si Misis," nauutal pang wika ng lalaki saka pilit na tumawa. Umiling na lang si Marcus at muling tinuon ang isip sa bagay na ginagawa. Ngunit kahit paano, tila nagkaroon ng sense ang usapan nilang iyon. "Lumabas ka muna," utos ni Marcus sa kanyang bodyguard. Agad naman iyong sinunod ng lalaki. Maya-maya lang, tinawagan ni Marcus ang kanyang lawyer at kinausap ito tungkol sa isang pekeng kasal. "Is that even possible? I'm going to hire someone who will pretend to be my wife?" sunod-sunod niyang tanong sa kausap. "Yes, sir. Para lang kayong nag-alok ng trabaho at may kontrata," tugon naman ng lawyer niya. Tumango-tango si Marcus dahil sa mga naiisip. Alam naman niyang parang niloko na rin niya ang kanyang lola sa bagay na gagawin, ngunit para sa kanya ang mahalaga ay maging masaya ito at maibigay niya ang hiling ng matanda. "Look for a woman who's willing to pretend to be my wife," utos ni Marcus. "Handa akong magbayad kahit magkano," muli niyang sambit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD