Chapter 3

854 Words
SAMANTALA, excited na nag-aayos ng gamit si Kristine sa kanyang condo, ito kasi ang araw na bibisita siya sa kanyang ama. Matapos masigurado na dala na niya ang lahat, agad siyang sumakay sa taxi at nagtungo sa bahay ng ama. Ngunit gulat na gulat si Kristine sa naabutan sa bahay. "A-Anong nangyari dito? B-Bakit nawala ang mga gamit?" gulantang na tanong ni Kristine nang makitang halos wala nang gamit ang bahay nila. "Ma'am Kristine, buti po at dumating kayo. May mga tao pong pumunta rito sa bahay at pinagkukuha ang mga gamit. Ang sabi nila, collateral daw iyon dahil sa dami ng utang ng daddy mo," sunod-sunod na paliwanag ng kasambahay. "H-Ha? Utang? P-Paano?" "Hindi ko rin po alam, ma'am Pero kasi po, kahit kaming mga kasambahay, isang linggo na pong hindi sumasahod," muling sambit ng babae. "Sige, manang. Ako na ang bahala sa inyo, ha?" tugon ni Kristine saka matamis na ngumiti. "Nasaan si dad?" tanong niya, saka lumingon sa paligid. "Nasa kwarto niya po. Halos hindi na rin po siya lumalabas," tugon ng katulong. Agad na lumakad si Kristine at nagtungo sa silid ng ama. Ilang beses na siyang kumakatok dito, hindi pa rin bumubukas ang pinto. "Dad, Dad! It's me Kristine. Open the door, Dad?" sunod-sunod na pagtawag ni Kristine sa kanyang ama, ngunit walang tumutugon sa kabilang silid. Hindi niya alam kung bakit, ngunit nabalot ng kakaibang kaba ang puso niya. "M-Manang, get the spare key!" utos niya na agad namang sinunod ng babae. Mabilis na binuksan ni Kristine ang pinto, sa pagbukas nito, nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang ama na nakahandusay sa sahig. "D-Dad?!" sigaw ni Kristine saka mabilis na tumakbo palapit sa ama. "Daddy, please wake up!" Bumilis ang t***k ng puso ni Kristine nang makita ang mga gamot na nagkalat sa sahig. Noon niya napagtanto ang ginawa ng ama niya. "Bakit mo ginawa to, dad?" aniya saka mahigpit na niyakap ang ama. Agad siyang nagpatawag ng ambulasya at sa kabutihang palad, naisugod sa ospital ang ama ni Kristine at agarang binigyan ng lunas. Nagtangka kasi itong magpakamatay at ang sabi ng mga kasambahay, bankruptcy raw ang dahilan. SUNOD-SUNOD ang pagpatak ng luha ni Kristine habang hawak ang kamay ng kanyang ama. Hindi niya lubos maisip kung ano ang gagawin niya sa oras na mawala ito. Simula nang mamatay ang mommy ni Kristine, ang daddy niya ang nag-alaga sa kanya. Ngunit naging abala ang kanyang ama sa trabaho, upang mabigyan na rin siya ng magandang buhay. Dahil dito, natutong maging independent si Kristine at sa edad na dise-otso, bumukod siya ng tirahan upang subukang mamuhay nang mag-isa. Si Kristine ang heredera ng Violago Corporation, ngunit ang kompanyang ito ay nakatakda nang magsara. Nalaman ni Kristine na niloko ang kanyang ama ng mga kasosyo nito sa negosyo, kaya naman, nag-file na ang daddy niya ng bankruptcy. KASALUKUYANG nasa opisina si Kristine ng kanyang daddy upang ayusin ang negosyo. "Ma'am, ito pa po ang ibang file ni Sir," wika ng secretary. Nilapag nilapag nito ang mga papeles sa lamesa. "Sige, salamat," maiksing tugon ni Kristine. Tila masisiraan na ng ulo ang dalaga sa dami ng pending na gawain. Napakalaki ng bayaran ng kanyang ama at maraming supply na kulang. Napasandal na lang ang dalaga sa upuan at bumuntonghinga. Maya-maya, tumawag sa cellphone ang doctor ng daddy niya. "Doc, kumusta po si daddy?" tanong ni Kristine. "You have to come here, Ms. Violago," tugon naman ng doktor sa kabilang linya. Dali-daling nagtungo si Kristine sa ospital dahil pakiramdam niya, seryoso ang sasabihin ng doktor sa kanya. "Your father is currently suffering from a condition called emotional depletion. As you can see, he is now awake but the problem is, he wanted to escape from reality," paliwanag ng doctor kay Kristine. Tumingin si Kristine sa kanyang ama na ngayon ay nakaupo sa kama, tulala ito at nakatingin lamang sa bintana. "Eh, doc. Ano po bang dapat gawin?" tanong ng dalaga. "We need to take precautions. Tatapatin na kita, Ms. Violago. Your father is at high risk of developing psychosis, or worst... schizophrenia." Nanlaki ang mga mata ng dalaga. Nagsimulang pumatak ang kanyang luha at muling tumingin sa kanyang ama. Pakiramdam ng dalaga, isa rin siya sa nakapagpalala ng depression na iyon, dahil hindi naman siya madalas umuwi sa kanilang bahay. "Sa ngayon, he needs to undergo medication and psychotherapy. Pero higit sa lahat, kailangan niya ang presensya mo." "Opo, doc. Pakiusap gawin nyo ang lahat para kay daddy." Tumango ang doktor bilang tugon sa kanya. Marahang lumakad si Kristine patungo sa kinaroroonan ng kanyang ama. Lumuhod siya sa harapan nito at hinawakan ang kamay. Walang emosyon naman siyang tiningnan ng kanyang tatay na animoy hindi siya nakikilala. "Dad, gagaling ka. Pangako, gagawa ako ng paraan para gumaling ka at maisalba ang kompanya," sunod-sunod na wika ni Kristine. MULING bumalik sa opisina ang dalaga. Isa-isa nang nagsisi-alisan ang mga empleyado ng kanilang kompanya. Maya-maya lang, aksidenteng napasulyap si Kristine sa kanyang laptop, isang ads ang nagpakita sa screen niya – The Montemayor. Kumunot ang noo ni Kristine. Kung mayroon mang makatutulong sa kanya, ang mga Montemayor ang kayang gumawa nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD