KINABUKASAN, Naisipan ni Kristine na gumawa ng proposal. Suntok man sa buwan ay susubukan pa rin niya.
"Good morning, I'm here to present a proposal for Mr. Montemayor?" saad ni Kristine sa receptionist.
"I'm sorry, ma'am. 4pm schedule na lang kasi ang available time ni Sir," tugon ng receptionist.
"It's okay. Willing akong mag-hintay," tugon ni Kristine.
"Okay, ma'am."
Matapos iyon, tinawagan ng receptionist si Marcus at tinanggap ni Marcus ang schedule. Makalipas ang ilang oras, pinayagang umakyat si Kristine. Pinapasok siya ng secretary sa opisina ni Marcus at pinaghintay sa couche.
Aksidenteng narinig ni Kristine ang usapan nina Marcus at ng lawyer nito.
"Bakit kailangan niya ng magpapanggap bilang asawa?" kunot-noong nasambit ni Kritine sa hangin, dahil na rin sa narinig.
Maya-maya lang, lumabas na si Marcus.
"Sorry to keep you waiting. Anong maipaglilingkod ko?" tanong ng binata.
"Hello, sir. Good afternoon. I'm Kristine Violago. I am here to give a proposal."
Tumaas ang kilay ni Marcus at umupo sa harap ng couche na kinauupuan ni Kristine. Kinuha ng binata ang papeles at tiningnan ang proposal. Matapos niya itong basahin, binalik niya ito sa dalaga.
"I'm not interested. Hindi ako interesado sa isang kompanyang malapit nang magsara," malamig na tugon ni Marcus.
Mariing napalunok si Kristine. Inaasahan na rin niyang tatanggihan ito ni Marcus, pero ayaw pa rin niyang sumuko. Matagal siyang naghintay at kailangan niya ang pagkakataong ito.
"S-Sir, please. Ikaw lang ang makakatulong sa 'kin. Please help me save my company from bankruptcy," desperadang wika ni Kristine.
"Nagpapatawa ka ba?" Sarkastikong tumawa si Marcus dahil sa narinig. "Sinong magkakaroon ng interest sa isang basurang kompanya?"
Nagpanting ang tainga ni Kristine dahil sa sinabi ng binata.
"Ingatan mo ang pagsasalita mo, Mr. Montemayor," galit na wika ni Kristine.
"But it's true. Wala nang pag-asa ang kompanya nyo, Ms. Violago."
Tumayo si Marcus at akmang aalis. Mariin namang kinuyom ni Kristine ang kamay niya.
"You may leave my office now. May pupuntahan pa ako," saad ni Marcus.
Biglang pumasok sa isip ni Kristine ang bagay na sinabi ni Marcus sa kausap nito sa telepono. Taliwas man sa plano niya, nagkaroon siya ng ideya.
"If that's the case. I want to apply for a position," muling wika ni Kristine.
"Ha? What position?" kunot-noong tugon ni Marcus.
"I want to be your fake wife. Kapalit noon ay ang pagsalba mo sa kompanya namin."
Nanlaki ang mga mata ni Marcus dahil sa sinabi ni Kristine.
"Where the hell did you–"
"Narinig kita, may kausap ka sa telepono. Sorry kung narinig ko, ang lakas mo naman kasi magsalita.
Mariing napalunok si Marcus. Sa tabil ng dila ng babaeng ito, sigurado siyang sasakit lang ang kanyang ulo rito.
"No! I don't like you," mabilis na pagtanggi ni Marcus.
"Why not? I'm pretty and sexy," pagmamalaking tugon ni Kristine, saka tumayo at nagpameywang.
"I don't care! Hindi ko gusto ang tabas ng dila mo."
Nagmadaling lumakad palabas ng opisina si Marcus.
"Ang walang hiyang 'yon, tinanggihan ang beauty ko. Hindi ako susuko!" desperadang wika ni Kristine.
Kinuha ng dalaga ang bag na nasa upuan, saka mabilis na sinundan si Marcus.
"Wait, Marcus! Mag-isip ka. Kailangan kita, kailangan mo rin ako. It's a tie!"
Habol ng dalaga kay Marcus sa hallway. Mabilis na sumakay si Marcus sa elevator. Agad namang pumasok si Kristine. Nanlaki ang mga mata ng binata nang makita ang ginawa nito.
"Ma'am, I'm sorry. Pero hindi po kayo pwedeng sumabay kay Sir Marcus," pagpigil ng mga bodyguard kay Kristine.
Hinawakan ng mga bodyguard ang braso ng dalaga.
"Don't touch me!" inis na wika ni Kristine saka inalis ang kamay ng mga ito.
Mabilis na pinindot ni Kristine ang close button, dahilan upang magsara ang elevator.
"What the hell are you doing, Ms. Violago?" inis na wika ni Marcus.
"Please, Marcus. Makinig ka muna kasi."
Tumaas ang kilay ni Marcus nang marinig ang sinabing iyon ni Kristine.
"How dare you say me name casually?" galit na tugon ng binata.
Sa pagbukas ng elevator, nagmadaling lumakad si Marcus.
"Escort her outside. Blocklist her name and make sure she will never get near my building," utos nito sa mga tauhan.
"Yes, sir."
Kinuha ng mga bodyguard si Kristine at hinawakan sa braso.
"Sorry, Miss. Huwag ka nang gumawa ng eskandalo."
Hindi! Hindi ako papayag. Ayokong masayang ang pinunta ko rito. Kailangan kong masagip ang kompanya namin, nasabi na lang ni Kristine sa kanyang isip.
Maya-maya lang, isang bagay ang naisipan niyang gawin.
"Buntis ako, Marcus at ikaw ang ama!" malakas na sigaw ng dalaga.
Wala na siyang pakialam sa sasabihin ng iba. Para sa kanya, desperada na siyang matulungan ang ama, kahit kapalit nito ay dignidad niya.
Natigilan si Marcus sa paglalakad. Lumingon ito at kumunot ang noo.
"What? Are you kidding me?" inis na wika ng binata.
Ngunit bago pa siya makatanggi, tumama ang tingin niya sa mga tao sa paligid, narinig kasi ng mga empleyado ang sigaw na 'yon ni Kristine, bagay na hindi na niya maiwasan.
"OMG! Hindi ko akalain na ganito pala si Sir Marcus," wika ng isang empleyado.
"Oo nga. Akala ko masungit lang siya, pero wala pala siyang planong umako ng responsibilidad," sabat naman ng isa.
Mariing kinuyom ni Marcus ang kanyang kamay, saka matalas na tiningnan si Kristine na ngayon ay nakangisi.
"Halika nga rito!" galit na wika ni Marcus saka mabilis na lumapit sa dalaga. Hinawakan niya ito sa palapulsuhan at hinila papasok sa kotse.
"What the hell are you doing?"
"Ngayon. Papayag ka na ba?"
Matalas na tiningnan ni Marcus si Kristine, animoy pinapatay na niya ito sa kanyang isip.
"Marcus, think about it. Willing akong magpanggap bilang asawa mo. Basta you will help me save my father."
Kumunot ang noo ni Marcus dahil sa sinabing iyon ni Kristine.
"Your father?"
"Yes. Dahil sa mga nangyari, maaaring mabaliw ang daddy ko." Marahang hinawakan ni Kristine ang kamay ni Marcus, buong puso siyang nagmakaawa sa binata. "Hindi ko kayang mawala ang daddy ko sa 'kin. So, please help me," sunod-sunod na wika ng dalaga.
Tila may kung anong awa ang dumapo sa puso ni Marcus, isang bagay na hindi naman niya madalas na nararamdaman.
Mabilis na binawi ni Marcus ang kamay niya, saka umiwas ng tingin sa dalaga.
"Fine. I'll prepare the contract," maiksing tugon ni Marcus.
"Tagala? OMG! Salamat!" tuwang-tuwa namang wika ni Kristine, saka mahigpit na yumakap sa binata.
"H-Hey! Stop it!" inis na wika naman ni Marcus, saka pilit na inaalis ang kamay ni Kristine.
"Sorry, na carried away lang," ani Kristine.