Chapter 5

1043 Words
KINABUKASAN, muling nagkita sa isang private restaurant ang dalawa. Ang mga bodyguard ni Marcus ay naka-ikot sa paligid, sinisigurado ng mga ito na walang makakarinig sa usapan ng dalawa. "Here's the contract," panimulang wika ni Marcus sa dalaga, sabay lapag ng papeles sa ibabaw ng lamesa. Kinuha ni Kristine ang papel at binasa. "Sa loob ng six months, you will pretend to be my wife. I will introduce you to my parents, especially to my grandma. Wala kang ibang gagawin kung 'di sumunod sa gusto ko," sunod-sunod na saad ni Marcus. "Wait. So, wala akong karapatang magbigay ng demands?" "What do you mean demands?" "Siyempre as a woman, mayroon din akong pangangailangan." Tila uminit ang tainga ni Marcus dahil sa narinig niya, dahilan upang mariin siyang mapalunok. Napansin naman ito ni Kristine. "Ba't namumula ka? Ano bang iniisip mo?" natatawang wika ni Kristine. "Siyempre kailangan ko ng me time. Kailangan ko ring lumabas ng bahay para pumunta sa salon. Hoy! Mr. Marcus, kung ano-anong iniisip mo. Ikaw, ha!" hindi mapigilang tawa ni Kristine. "Shut up! Just sign the contract," inis na wika ni Marcus. Hindi naman mapigil ang pagtawa ni Kristine habang pinipirmahan ang papeles na iyon. Six months ang kontrata ng dalawa. Kailangan nilang makilala ang isa't isa sa mabilis na paraan. Gagawin nila ito upang tuluyang gumaling ang lola ni Marcus at ganoon din ang daddy ni Kristine. Matapos pirmahan ni Kristine ang papeles, agad itong kinuha ng binata at inabot sa lawyer niya. Nagsimulang tumayo si Marcus at inayos ang suot niyang suit. "And one more thing, Ms. Violago." Tumaas ang ulo ni Kristine at nagtama ang tingin ng dalawa sa isa't isa. "I would like to remind you... don't fall in love with me," paalala ni Marcus, saka tuluyang lumakad palayo. "Ambisyoso," bulong naman ni Kristine, saka umiling. Ngunit alam ng dalaga na hindi maikakaila ang taglay na kakisigan ni Marcus. Gwapo ito at mayaman. Kung hindi lang ito arogante, siguradong habulin ito ng babae. ISA sa napagkasunduan ng dalawa ang pagtira sa iisang bahay. "This will be your room," wika ni Marcus kay Kristine nang ituro nito ang kuwarto ng dalaga. "Wow! Mas malaki pa ito sa condo ko, ha?" "You deserve this, because you're my wife," saad ni Marcus. Napatingin si Kristine sa binata nang marinig ang salitang wife. Sa tanang buhay niya, hindi niya akalain na may tatawag sa kanya nang ganoon. "Why? Is there a problem?" kunot-noong tanong ni Marcus. "W-Wala naman. Dito ka rin ba matutulog?" inosenteng tanong ng dalaga. "In your dreams," walang ganang tugon naman ni Marcus, saka lumakad palayo. Nanlaki ang mga mata ni Kristine nang mapagtanto niya ang bagay na sinabi. "OMG! Nasabi ko 'yun? Bakit ko naman iisiping matutulog kami sa isang kwarto?" bulyaw niya sa sarili. TULAD din ng napagkasunduan, nag-invest si Marcus ng malaking halaga sa kompanya ni Kristine. Pinahawak niya ito pansamantala sa isa niyang tauhan. Naging maayos ang takbo ng pagsasama ng dalawa, ngunit ilang araw palang ang nakalilipas, imbes na magkasundo, mas madalas silang mag-away. “Ito ‘yung lola mo. Tapos, ito ‘yung tito mo. Then ito ang pinsan mo?” “Ilang beses kong sasabihin na this is my niece. Pamangkin ko sa pinsan.” “Hay… naku! Wala na akong pakialam kung my niece, my toes, o my head mo pa ‘yan. Bakit ba kailangan ko pang tandaan ‘tong mga mukhang ‘to? Hindi ba ‘yung lola mo lang naman ‘yung dapat nating paniwalain?” “Paano kung pumunta sila sa reunion? You will not know them.” “As if naman madalas mo silang kasama?” iritableng wika ni Kristine. Nang gabing iyon, halos hindi matapos ang ginagawa ng dalawa dahil hindi makuha ni Kristine ang nais sabihin ni Marcus. “Bahala ka na nga!” inis na wika ni Marcus, saka tumayo mula sa kinauupuang sofa. “Tingnan mo ‘to, walk out na naman,” sambit ng dalaga. Muli niyang tiningnan ang family tree ng mga Montemayor. Hindi maikakaila ni Kristine na ang pamilya ni Marcus ay artistahin. Guwapo at maganda ang kanilang lahi, kaya pala ganoon kataas ang tingin ng mga tao sa mga ito. “Ma’am Kristine, coffee po?” tanong ng kasambahay sa dalaga. “Hindi na po. Matutulog na rin naman ako,” tugon ng dalaga, saka ngumiti sa kasambahay. “Ma’am, mabuti naman po at bumisita kayo rito. Akala ko talaga ay wala nang pag-asang magka-girlfriend ‘yang si Sir,” sunod-sunod na salaysay ng kasambahay. “Bakit po?” usisa naman ni Kristine. “Mula po kasi nang mag-break sila ni Ms. Irene, naging tahimik at masungit na si Sir.” “Manang Lory, where’s my tea?” sigaw ni Marcus mula sa kanyang silid. “Ay! Oo nga pala, ‘yung tsaa ni sir.” Kinuha ni Manang Lory ang tray kung saan naroon ang tasa ng tsaa. “Manang, ako na ho ang maghahatid n’yan kay Marcus,” pagprisinta ni Kristine. “Sigurado ka, ma’am?” “Opo. After all, kailangan ko ring mag-sorry sa ginawa ko kanina,” ani Kristine. Dala ang tray kung saan nakalagay ang tsaa, nagtungo si Kristine sa silid ni Marcus. Nagdesisyong pumasok sa loob ang dalaga dahil bukas naman ang pinto. “Marcus? Marcus? ‘yung tea mo.” Malawak ang silid ng binata, kaya naglakad si Kristine sa loob, hanggang sa makita niya ang side table ng kama. “What are you doing here?” Napalingon si Kristine sa kanyang likod kung saan nanggaling ang tinig. “Hinatid ko lang ‘yung… tea mo.” Natulala ang dalaga at napanganga nang makitang nakatapis lang ng tuwalya ang binata. Sinilip ni Marcus ang tray at tumango. “You can go now,” utos niya kay Kristine, saka muling tumalikod sa dalaga. Hindi naman mawala sa isip ni Kristine ang bagay na nakita. Birhen pa ang kanyang mga mata at kahit nakatapis ng tuwalya ang bagay na iyon, animoy nakita na rin niya ang kabuuan dahil sa bakat nitong harapan. Mabilis na tumakbo si Kristine palabas ng silid ni Marcus. Hawak niya ang kanyang dibdib na ngayon ay binabalot ng kaba. “Diyos ko! Ano ba ‘yong nakita ko?” ani Kristine habang hindi mawala ang pula sa pisngi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD