Chapter 6

1466 Words
KINABUKASAN, maagang nag-ayos si Marcus upang magtungo sa opisina. Ngunit sa pagbukas nito ng pinto, sakto namang dumating si Manang Lory. Aksidenteng nasagi ng binata si manang, dahilan upang matapon ang dala nitong juice sa damit ni Marcus. “Manang, ano ba? Bakit nakaharang kayo sa daan?” galit na wika ni Marcus. “P-Pasensya na po, sir. Dadalhan ko lang sana ng breakfast si ma’am Kristine.” “I have a meeting today and I don’t have time to change clothes.” Napahilamos na lang sa mukha si Marcus dahil sa inis niya. “Anong nangyayari?” sabat ni Kristine nang magising ito at lumabas ng silid. “Ikaw! Tutal wala ka namang ginagawa rito, tulungan mo siyang maglinis,” utos ni Marcus sa dalaga, saka padabog na umalis. Nilapitan ni Kristine si Manang Lory na ngayon ay nagpipigil ng luha. “Ayos ka lang ba, manang?” nag-aalalang tanong ni Kristine, saka hinawakan ang babae sa braso. “A-Ayos lang po ako, Ms. Kristine. Sanay na rin naman ako kay Sir,” tugon babae. “Madalas ba syang ganito sa inyo?” “H-Hindi ko po masasabing madalas, dahil hindi naman siya madalas umuwi rito. Pero sa bawat pag-uwi niya po, init ng ulo ang binabato niya sa ‘min.” Nanlaki ang mga mata ni Manag Lory nang mapagtanto ang mga bagay na sinabi. “Naku! Ma’am, kalimutan nyo na po ang sinabi ko. ‘Wag nyo po akong isususmbong kay sir,” takot na wika ng babae. Natahimik si Kristine dahil sa inakto ng kausap. Alam niyang may pagkamagaspang ang ugali ni Marcus, ngunit hindi niya maisip na ganito pala kalala iyon. Sa pagsapit ng gabi, umuwi si Marcus sa mansion. Sinalubong naman siya ni Kristine habang nakahalukipkip. Tumaas ang kilay ni Marcus nang makita niya ito. “Ano na namang problema mo?” inis na wika ni Marcus. “I think may kailangan tayong ayusin,” wika ni Kristine. “Ayusin? I already give you what you want.” “Your attitude. We need to fix your attitude,” muling wika ng dalaga. Mabilis na hinila ni Kristine si Marcus patungo sa sala. Doon ay pinakita niya ang schedule ng mga kasambahay na nagtatrabaho kay Marcus. “Nakikita mo ba iyan?” “I don’t care about that,” tugon ni Marcus. “You should care. Kaya pala walang tumatagal na kasambahay sa ‘yo dahil sa ugali mo.” “I pay for them to do their job.” “Pero hindi mo binili ang pagkatao nila.” Natulala si Marcus dahil sa sinabi ni Kristine. “ Tao sila, Marcus. Hindi sila gamit.” Matapos sabihin ni Kristine ang bagay na iyon, lumakad siya palayo sa binata at nagtungo na sa kanyang silid. Nais baguhin ng dalaga ang ugaling ito ng lalaki. Alam kasi niyang kapag nagtagal ang kanilang pagsasama, baka sumuko siya, dahil hindi niya kayang makakita ng isang taong na-aagrabyado. KINABUKASAN, hindi pa rin nawala ang inis ni Kristine sa binata. Lumabas siya ng mansion at nagtungo sa ospital kung saan naroon ang kanyang ama. “We can see a good progress in your dad. Very responsive na rin siya,” saad ng doctor. “Mabuti naman, doc. Pwede ko kaya siyang mabisita?” ani Kristine. “Oo naman.” Agad na pumasok si Kristine sa silid ng kanyang ama. Nakita niya ang ama na tahimik na nanonood ng telebisyon. “Dad, how are you?” Lumingon ang daddy ni Kristine nang marinig nito ang kanyang boses. Agad itong ngumiti nang makita ang dalaga. “Anak, buti naman at nandito ka,” masayang tugon ng tatay niya. Halos maluha si Kristine nang marinig ang tinig ng kanyang ama. Mabilis siyang lumapit dito at mahigpit itong niyakap. “Thank God your okay, dad!” umiiyak na wika ng dalaga. “All thanks to you, Kristine,” tugon naman ng daddy niya. “Oo nga pala, kumusta ka na?” “Okay naman po ako, dad. Also, gusto kong sabihin na you don’t have to think about our company—“ “Ayoko na munang isipin ang bagay na iyan, Kristine. Ang mahalaga sa akin ngayon, nandito ka.” Halos matunaw ang puso ng dalaga sa narinig. Muli niyang mahigpit na niyakap ang ama at ilang beses nagpasalamat dahil maayos na ang lagay nito. SAMANTALA, hindi maalis sa isip ni Marcus ang pagsagot-sagot ni Kristine sa kanya. Ang babaeng iyon lang kasi ang nakagagawa ng ganoong bagay sa binata. “Sir, we already take down all related articles about the fake pregnancy news na ginawa ni Ms. Kristine. Also, binayaran na rin namin ang mga taong nakakita sa inyo para manahimik,” pagputol ng assistant ni Marcus sa kanyang iniisip. Bumuntonghininga ang binata, saka nagsalita. “Good! Make sure hindi nakita ng pamilya ko ang tungkol ditto,” muli niyang utos. “Yes, Sir.” Isang malaking sakit sa ulo kasi ang iniwan ni Kristine sa kanya. Kumalat kasi ang balita na buntis ang dalaga, kaya agad na pinatanggal ni Marcus ang lahat ng article tungkol dito. “Sakit talaga sa ulo ang babaeng ‘yon.” Kahit ganito na lang kainis si Marcus kay Kristine, hindi niya maintindihan kung bakit patuloy pa rin niya itong iniisip, tila nais pa niyang lumiban sa trabaho dahil sa dalaga. “May gayuma yata ang babaeng ‘yon,” inis niyang wika. KINAGABIHAN, nagmamadaling umuwi si Marcus upang makausap ni Kristine. “Nasaan si Kristine?” tanong ni Marcus kay Manang Lory. Kinuha ng babae ang coat ni Marcus bago ito tumugon. “Umalis po siya kaninang umaga, Sir.” “What? At hindi pa siya bumabalik?” inis na namang wika ni Marcus. “P-Pupunta raw po siya sa daddy niya,” paliwanag ng babae. Hindi naman makatugon si Marcus nang malaman kung saan pumunta si Kristine. Umiling na lang ito at humakbang. Lalayo na sana siya nang bumalik siya ng tingin kay Manang Lory. Agad namang umiwas ng tingin ang babae. “By the way, I’m sorry,” matipid na wika ni Marcus, saka nagpatuloy sa paglalakad palayo. Natulala naman si manang dahil sa narinig. Unang beses niyang narinig ang salitang sorry mula kay Marcus. Pakiramdam niya, malaki ang ginampanan ni Kristine sa pagbabagong ito ng binata. Umaga na nang makauwi si Kristine sa mansion, sinulit kasi nito ang oras kasama ang kanyang ama. “Bakit ngayon ka lang?” bungad na tanong ni Marcus nang makapasok si Kristine sa pinto ng mansion. “H-Ha? Kasi nga pumunta ko sa –“ “Hindi ba sinabi ko sa ‘yo na magsasabi ka sa ‘kin kung saan ka pupunta?” pagputol ni Marcus sa sasabihin ni Kristine. “Pero nagsabi naman ako kay—“ “I don’t care! You are under my care. Paano kung may nangyari sa ‘yo?” “Ang OA mo naman! Tatay ba kita?” “No! But I am your husband.” Parehong natahimik ang dalawa dahil sa sinabi ni Marcus. Wala ring ideya ang binata kung bakit nabanggit niya iyon, after all, nagpapanggap lang naman sila. “L-Let’s just forget about it. Ilang araw na lang family reunion na namin. Kailangan mo nang intindihin ang lahat-lahat ng tungkol sa pamilya ko,” utos ni Marcus, saka tumalikod at naglakad palayo. “I know, I know,” maiksing tugon ni Kristine. “By the way, how’s your father?” mahinahong tanong ni Marcus. “Okay na siya. Maraming salamat talaga sa tulong mo, Marcus.” Lihim na napangiti si Marcus. Tulad ng dati, nagtungo ang dalawa sa office room ni Marcus upang pag-aralan ang mga sasabihin nila sa darating na party. Dahil inspired, nakuha ni Kristine ang lahat ng dapat niyang pag-aralan. “Good! Magaling ka naman pala,” pagpuri ni Marcus sa dalaga. “Siyempre! Magaling ka rin magturo, eh,” nakangiting tugon ni Kristine. Nagtama ang tingin ng dalawa sa isa’t isa. Madalas naman silang magtitigan nang ganoon, subalit iba ang nararamdaman nila ngayon. Nagsimulang bumilis ang t***k ng kanilang puso. “Sir, miryenda po,” wika ni Manang Lory. Hindi napansin ng dalawa na pumasok na pala ito sa pinto. Agad na umiwas ng tingin sa isa’t isa ang dalawa, dahilan upang magtaka si manang Lory. “I’ll just go to the washroom,” pagpapaalam ni Marcus. Sa paglabas ng binata, agad na kinausap ni Manang Lory si Kristine. “Ma’am, alam mo ba may kakaiba kay sir.” “Kakaiba? Anong kakaiba?” “Kasi, kahapon, nag-sorry sya sa ‘kin,” wika ni Manang Lory na nagpakunot sa noo ni Kristine. “Ginawa niya ‘yon?” “Opo, ma’am. I think unti-unti na pong nagbabago si Sir Marcus.” Wala sa sariling napangiti si Kristine sa sinabi ni manang. Nararamdaman din niya kasi ang pagbabago ni Marcus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD