KINABUKASAN, nirentahan ni Marcus ang isang Italian restaurant. Naisip kasi niyang maaaring maging mas malapit sila ni Kristine kung kakain sila sa labas kahit minsan.
"Sir, ito na po ang pinabibili niyo," wika ng assistant ni Marcus, saka nilapag sa office table niya ang isang maliit na kahon.
"Salamat, you can go now," tugon ng binata. Kumunot ang noo ng assistant ni Marcus dahil sa sinagot nito. "Why? Is there something wrong?" tanong ni Marcus.
"W-Wala naman po, sir. Very unusual po kasi na nagsasabi kayo ng thank you," saad ng assistant. "Sige po, sir. Maiwan ko na kayo," natatawang wika ng assistant.
Napailing na lang si Marcus dahil sa inakto nito, para sa kanya, wala naman siyang pinagbago. Marahang kinuha ni Marcus ang maliit na kahon sa ibabaw ng kanyang lamesa. Wala sa sariling napangiti ito nang makita ang isang gold infinity ring, ito kasi ang ibibigay niya kay Kristine.
Matapos iyon, kinuha ni Marcus ang kanyang telepono at agad na tinawagan si Kristine.
"Hello?" pagsagot ng dalaga mula sa kabilang linya.
"Let's meet in a restaurant. I'll send my bodyguard to pick you up," sunod-sunod na wika ni Marcus, saka binaba ang telepono. Hindi na niya hinintay pang magsalita si Kristine, wala rin naman itong karapatang tumanggi.
"Danny," pagtawag ni Marcus sa isa niyang bodyguard na naghihintay sa tapat ng pinto.
Agad itong pumasok sa loob ng opisina ni Marcus.
"Sir?" tanong nito.
"Prepare my car. May pupuntahan ako," utos ni Marcus.
"Yes, sir."
Matapos ayusin ni Marcus ang mga gamit niya, mabilis siyang tumayo at lumabas ng opisina. Tulad ng dati, pumalibot sa kanya ang mga bodyguard at sumakay sila sa elevator.
"Sandali lang po, pasabay!" sigaw ng isang lalaki na patungo sa elevator.
"Sir, I'm sorry. Hindi kayo pwedeng sumabay kay Sir Marcus," pagpigil ng bodyguard sa lalaking papasok sana sa elevator.
"Let him in. Mukhang nagmamadali siya," utos ni Marcus.
Nakangiti namang pumasok ang lalaki sa loob.
"Salamat po, sir," saad ng lalaki.
Natulala naman ang mga bodyguard ni Marcus sa inakto nito. Tila malaki na nga talaga ang pinagbago ng boss nila.
Sa pagdating ni Marcus sa restaurant, wala sa sariling ngumiti ang kanyang labi nang makita si Kristine na nakaupo sa upuan na ni-reserve niya. Habang naglalakad, tila kumikinang ang dalaga sa kanyang paningin. Hindi kaila sa binata ang nararamdaman, tuluyan na nga siyang nahulog sa babaeng ito.
"Sorry for waiting," wika ni Marcus nang makaupo siya.
"It's okay. Kadarating ko lang din," tugon naman ni Kristine habang nakatingin sa paligid. "Bakit pala walang tao? Ano to ni-rentahan mo 'yung resto?" usisang tanong ni Kristine. Tumango lang si Marcus sa kanya. "Hindi mo naman kailangan gawin 'yun, Marcus. Alam kong mayaman ka," natatawang wika ni Kristine.
"It's not like that. I just want to practice our move sa darating na reunion," wika ni Marcus, saka tinawag ang waiter.
Natahimik naman si Kristine at unti-unting nagbago ang reaksyon.
"So, practice lang pala 'to," malungkot na bulong ni Kristine.
"Are you saying something?" tanong ni Marcus.
"W-Wala, sabi ko kain na tayo."
Nagsimulang kumain ang dalawa. Halos walang nagsasalita sa pagitan nila, tila walang nais magsimula ng kuwento.
"For you," pagbasag ni Marcus sa katahimikan.
Kumunot ang noo ni Kristine habang nakatingin sa isang kahon na nilapag ni Marcus sa lamesa.
"Ano to?"
"Open it," utos ng binata.
Kinuha ni Kristine ang kahon. Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang makita ang laman nito.
"W-Wow! Ang ganda naman nito, Marcus."
"It should be. That's our wedding ring," wika ni Marcus saka kinuha ang singsing.
Nagsimulang bumilis ang t***k ng puso ni Kristine nang hawakan ni Marcus ang kamay niya. Dahan-dahang nilagay ni Marcus ang singsing sa daliri ng dalaga, animoy nag-propose ito sa kanya.
Hindi makapagsalita si Kristine. Sa tanang buhay niya, ngayon lang siya nakaramdam ng ganito. Pakiramdam niya ay totoong nahuhulog na ang loob niya kay Marcus, bagay na wala sa napagkasunduan.
"T-Thank you," matipid na naitugon ni Kristine. Bigla kasing sumagi sa isip niya na pawang pagpapanggap lang ang lahat ng ito at sa huli, maghihiwalay rin sila.
"Nagustuhan mo ba?"
"Oo naman," masayang wika ni Kristine.
Maya-maya lang, lumapit ang isang bodyguard ni Marcus at bumulong ito sa binata.
"Sir, sorry to interupt. Pero ang sabi po ng secretary nyo, nakabalik na raw po ng bansa si Ms. Irene. Hinahanap daw po kayo kanina sa office," sunod-sunod na sabi ng bodyguard.
Nanlaki ang mga mata ni Marcus. Hindi siya makapaniwala na bumalik na ang babaeng pinakamamahal niya. Aksidenteng narinig naman ito ni Kristine at dahil dito, nakaramdam ng matinding kirot sa puso ang dalaga.
Nagbalik na pala siya? So, paano na ko? wika ng dalaga sa sarili.
"I will talk to her tomorrow," tugon ni Marcus sa kanyang bodyguard.
Muling bumalik ng tingin si Marcus kay Kristine na ngayon ay nakayuko at tila binagsakan ng langit at lupa.
"Are you okay?" tanong ni Marcus.
"H-Ha? O-Oo naman," nauutal na tugon ni Kristine, saka uminom ng tubig.
Matapos kumain, nagsimulang tumayo si Kristine. Lumakad ito palayo at agad siyang hinabol ni Marcus.
"Bakit ka nagmamadali?" inis na wika ni Marcus.
"Gusto ko na kasing umuwi," tugon ng dalaga.
Nanlaki ang mga mata ni Kristine nang maramdaman ang palad ni Marcus na lumapat sa kanyang palad. Napatingin siya sa kamay nito.
"Let's walk together. You're my wife."
"Kasama pa rin ba to sa training?" tanong ni Kristine.
Mariing lumunok si Marcus, saka mapait na ngumiti.
"Oo," maiksi niyang tugon.
Kahit magkahawak ang kamay habang naglalakad, Kapwa nasaktan ang dalawa sa kanilang sinabi. Kailangan nilang itago ang kanilang damdamin dahil alam nilang ang lahat ng ito ay may hangganan.
KINABUKASAN, hindi inaasahan ni Marcus na magtutungo si Irene sa kanyang opisina. Alam kasi ng binata na pina-blacklist na niya ang babaeng iyon, ngunit sa 'di malamang dahilan, nakalusot ito sa security niya.
"Good morning, Marcus. Did you missed me?" wika ni Irene nang tuluyang makapasok sa opisina ni Marcus.
Kumunot ang noo ng binata nang makita ang babaeng ito.
"Ma'am Irene, mahigpit pong bilin ni Sir Marcus na hindi kayo maaaring lumapit sa kanya," wika ng bodyguard ni Marcus, saka hinarang ang kamay sa harap ng dalaga.
"Let her. I also want to talk with her," utos ni Marcus. Dahil dito, hinayaan ng bodyguard na makalapit ang dalaga kay Marcus.
"Anong kailangan mo?" panimulang tanong ni Lucas.
"Honey, I just want to talk to you. Alam ko namang mahal mo pa rin ako, 'di ba? Gusto kong magsimula ulit, Marcus."
"Bakit? Hiwalay na ba kayo ng lalaki mo?" inis na tugon ni Marcus.
"Honey, you know that it's just a mistake. Everyone deserves a second chance."
Tila nagpantig ang tainga ni Marcus nang marinig ang mga sinabing ito ni Irene.
"Irene, wala ka bang delikadesa? I'm sorry, but I already have a wife," tugon ni Marcus.
Tumaas ang kilay ni Irene at hindi makapaniwala sa sinabi ng binata.
"H-Ha? Kailan pa? Imposible, Marcus."
"I don't need to explain anything to you. Kung wala ka nang sasabihin, bukas ang pinto ng opisina ko," muling saad ni Marcus, saka tinuro ang pinto.
"Kilala kita, Marcus. I know you still love me."
"I don't love you anymore, Irene." Natigilan si Marcus sa kanyang sinasabi. Napagtanto niya kasi na kaya na niyang sabihin ang bagay na iyon. Naka-move on na nga talaga siya. Isang matamis na ngiti ang ginawa ni Marcus, saka muling nagsalita. "I love my wife," ani Marcus.
Naglakad ang binata patungo sa pinto, saka ito muling binuksan.
"You may go now, Irene. Thank you for the visit," wika ni Marcus.
Isang matalas na tingin ang binigay ni Irene sa binata. Bago umalis, tila binantaan pa niya ito gamit ang tingin na iyon, saka tuluyang lumabas ng pinto.
Huminga nang malalim si Marcus nang tuluyang makalabas si Irene. Naglakad ang binata patungo sa kanyang lamesa, saka umupo. Kahit paano, nagpapasalamat pa rin siya sa pagbisita ni Irene, dahil kasi sa dalaga, napagtanto niyang mahal niya si Kristine.