Chapter 8

1215 Words
DUMATING ang araw ng family reunion ng mga Montemayor. Nagtungo sina Marcus at Kristine sa salon upang magpa-ayos. "Napakaganda nyo po, ma'am," pagbati ng mga staff na nag-aayos kay Kristine. "Salamat po," tugon naman ng dalaga. Tila naglalagari naman ng sahig si Marcus habang pabalik-balik sa tapat ng dressing room. Nais kasi ng binata na maging maayos at perpekto ang araw na ito. Maya-maya lang, napalingon si Marcus nang bumukas ang kurtina ng dressing room. Nanlaki ang mata ng binata nang makita niya si Kristine. "Bakit? P-Pangit ba?" nagtatakang tanong ni Kristine. Hindi sumagot si Marcus. Tulala lamang ito at tila walang naririnig. "Sabi ko na pangit, eh," nagtatampong tugon ni Kristine. Tumalikod ang dalaga. Akmang papasok na itong muli sa dressing room nang hawakan ni Marcus ang kamay niya, dahilan upang muling mapatingin pabalik si Kristine. "N-No. No need. You're perfect," tugon ni Marcus. "Let's go, naghihintay na sila lola sa 'tin." Matapos magpasalamat ng dalawa sa mga staff ng salon, agad na rin silang lumabas at sumakay sa kotse. Sa loob ng kotse, hindi maintindihan ni Kristine kung ano ang nararamdaman niya. Ngayon lang siya nakaramdam ng matinding kaba. Napansin naman ito ni Marcus. Marahang hinawakan ng binata ang kamay ni Kristine. "Are you nervous?" tanong ni Marcus. "B-Bakit naman ako nenerbyusin?" nauutal na tugon ni Kristine. "Lier," natatawang tugon ni Marcus. Pinag-intertwined ng binata ang kanilang mga daliri. Dahi dito, kahit paano ay napanatag ang loob ni Kristine. Habang magkahawak ang kanilang mga kamay, hindi maiwasan ng dalaga na maramdaman ang bilis ng t***k ng kanyang puso. Maya-maya lang ay nakarating na rin sila sa patutunguhan. Sa pagbaba ng dalawa, nagtinginan ang mga tao. Halos matunaw si Kristine habang tinitingnan siya ng mga Montemayor. "Marcus, finally you came. Is this her?" bungad na wika ng mommy ni Marcus, saka nagbeso sa binata. "Yes, ma'am. This is Kristine, my wife," pakilala ni Marcus. "Good evening po," pagbati ni Kristine. "Good evening, hija," tugon naman ng mommy ni Marcus habang nakangiti. Masaya ang mga ito dahil sa wakas, napakilala na ni Marcus ang dalagang muling nagpatibok sa puso niya. "Naghihintay na ang lola mo sa 'yo," bulong ng nanay ng binata. "Sige po, mom. Pupuntahan muna namin si lola," pagpapaalam ni Marcus. Hinawakan niya ang kamay ni Kristine. Sabay silang naglakad sa loob ng mansion. Ang mga relatives ni Marcus ay nakahabol ng tingin sa kanila habang nagbubulungan ang mga ito. "La, we're here," anunsyo ni Marcus nang makarating siya sa kinaroroonan ng kanyang lola. "Mabuti naman at nakilala na kita, hija. Napakaganda mo nga talaga. Hindi nagkamali ang apo ko sa 'yo," sunod-sunod na papuri ng lola ni Marcus. "Salamat po," tugon ni Kristine. "Apo, pwede ko ba munang mahiram itong asawa mo?" wika ng lola. Kumunot ang noo ng dalawa. Nagkatinginan pa ito ngunit maya-maya lang, tumango si Kristine at sumama sa lola ni Marcus. Nag-usap ang dalawa sa may malawak na balcony ng mansion. "Hija, alam mo. Hindi ako tutol sa relasyon nyo ng apo ko. Pero isa lang ang gusto kong malaman mo." Mariing napalunok si Kristine nang magsimulang magsalita ang lola ni Marcus. "A-Ano po 'yun?" nauutal at kabadong tanong ng dalaga. "Are you pregnant? Magkaka-apo na ba ako?" masayang wika ng matanda. Nakahinga naman nang maluwag si Kristine nang marinig ito. Napangiwi pa siya at halos matawa. "P-Po? Kasi po–" "Naku, hija. Huwag na kayong magsayang ng oras, ha? Gusto ko nang makita ang apo ko sa tuhod. 'Yun ang hiling ko sa inyo ni Marcus. Pwede ba 'yon?" pangungulit ng matanda habang tuwang-tuwang hawak ang kamay ni Kristine. "S-Sige po, lola. P-Pag-uusapan namin ni Marcus." "Naku, hiya! Kapag nangyari iyon, ako ang magiging pinakamasayang tao sa mundo," exaggerated na saad ng matanda. Napangiwi na lang si Kristine. Akala kasi niya ay kung ano na ang sasabihin ng matanda. Matapos ang usapan na iyon, bumalik ang dalawa na magkahawak pa ang kamay habang nagtatawanan. "Sige po, mamita. See you later," masayang wika ni Kristine sa matanda bago naghiwalay ang dalawa. Pasimpleng lumapit si Lucas sa kinaroroonan ni Kristine nang makitang lumayo na ang lola niya. "Anong nangyari?" bulong ni Marcus habang kunot ang noong nakatingin sa lola niyang naglalakad palayo. "Close na kami. Galing ko 'di ba?" natatawang wika ni Kristine. "Okay na, nagampanan ko naman ang tungkulin ko," bulong na wika ni Kristine sa binata. Tila may kung anong kurot ang naramdaman ni Marcus nang sabihin ni Kristine ang bagay na iyon. "Kung ganoon, ginawa mo lang pala iyon dahil sa napagkasunduan?" Diretsong tiningnan ni Kristine si Marcus at walang alinlangang nagsalita, "oo. 'Yun naman talaga ang dahilan kung bakit ako nandito, 'di ba?" Mariing napalunok si Marcus nang maalalang tama ang dalaga. Nakaramdam siya ng lungkot, ngunit hindi niya pinahalatang nasasaktan siya. "Good evening, everyone. Welcome to the family reunion of The Montemayor. We would like to ask Mr. Marcus Montemayor for the opening remarks." Ang lahat ay napatingin nang magsimulang magsalita ang host. Pumalakpak ang mga tao. Naglakad naman si Marcus at umakyat sa stage. "First of all, gusto kong magpasalamat sa lahat ng nagpunta sa selebrasyon na ito. Minsan lang tayo magsama-sama at sa tingin ko, dahil masiyado akong busy sa trabaho, ang iba sa inyo ay talagang hindi ko na kilala. But even though I don't recall any of you, I still consider everyone as Montemayor." Tumango-tango ang mga manonood. Sa kanilang lahat kasi, si Marcus ang pinakamasipag at dahil dito, lumaki nang lumaki ang ari-arian ng mga Montemayor. Natulala si Kristine nang makita si Marcus na diretsong nakatingin sa kanya. "B-Bakit kaya ganoon siya makatingin?" isip ni Kristine. Maya-maya lang, halos tumayo ang balahibo ni Kristine nang makita niya ang pagngisi ng binata. "Also, I am here to officially introduce my wife," wika ni Marcus na nagbigay ingay sa paligid. "Naku! Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh," pasimpleng pagkamot ulo ni Kristine. Tumama ang spotlight sa kinaroroonan ni Kristine. Pilit na ngumiti ang dalaga at tumango sa mga taong nagtingan sa kanya. Nagsimulang lumakad si Kristine patungo sa stage. Ayon ito sa rehearsal ng dalawa. Sa madaling sabi, ang lahat ng ikikilos nila sa party na ito ay pawang scripted at planado ni Marcus. Sa pagdating ni Kristine sa stage, agad na hinawakan ni Marcus ang beywang ng dalaga at hinapit palapit sa kanya. "This is my wife, Kristine," pagpapakilala ni Marcus. "Welcome to Montemayor," pagbati ng mga tao. "Kiss!" Napangiwi si Kristine nang marinig ang kantyawan ng mga tao. Subalit maya-maya lang, nagulat siya nang muling hapitin ni Marcus ang kanyang katawan. "A-Anong gagawin mo?" bulong ni Kristine. "Hindi mo ba narinig ang request nila?" pilyong wika ni Marcus. "W-Wag mong sabihing..." Tumango si Marcus saka pilyong ngumiti. Unti-unting lumapit ang mukha ni Marcus sa mukha ni Kristine. Nagtama ang mga mata ng dalawa. Hindi maintindihan ni Kristine kung bakit, ngunit tila ayaw niyang umiwas sa paglapit ng labi ng binata. Maya-maya lang, tuluyang lumapat ang halik ni Marcus kay Kristine. Pakiramdam nila ay sila lang ang tao sa paligid. Tuluyang nilamon ng mainit na halik ang dalawa. Hindi pa sana ito mapuputol kung hindi pa muling humiyaw ang mga tao. "S-Sorry," nauutal na wika ni Marcus dahil sa ginawa niya. Hindi nakatugon si Kristine dahil alam niya sa sariling, ginusto niya rin ang bagay na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD