MATAGUMPAY na nagampanan ng dalawa ang kanilang plano, isang bagay lang ang wala rito – ang mainit na halik ni Marcus.
Nang makabalik ang dalawa sa mansion, halos walang nagsasalita.
"Sorry ulit sa ginawa ko," muling wika ni Marcus nang makarating sila sa living room.
"Okay lang, I guess we need to do that for the show," ani Kristine.
"By the way, my liquor ako sa kuwarto. Let's celebrate?"
"Sige," masayang tugon ng dalaga.
Nagtungo ang dalawa sa silid ni Marcus. Doon ay masaya silang nagkuwentuhan at hindi nila namalayang masiyado nang marami ang nainom nila.
"Alam mo 'yung lola mo? Ang cool niya. Ang swerte mo sa kanya, Marcus," nahihilong wika ni Kristine habang nakapalumbaba at hawak ang baso na may alak.
"Alam ko. Siya nga lang ang dahilan kung bakit ako nagpupursigi sa mga bagay. Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin kung sakaling mawala siya," malungkot na wika ni Marcus.
Hinawakan ni Kristine ang balikat ng binata, saka nagbigay ng matamis na ngiti.
"'Wag kang mag-alala, proud na proud sa 'yo ang lola mo. Noong nag-usap kami, halos ikaw lang bukambibig niya. Masaya siya habang kinukuwento ka niya." Maya-maya lang ay malakas na tumawa si Kristine nang maalala ang isang bagay. "Naalala ko na naman. Tanong siya nang tanong kung kailan daw tayo magkakaanak," bulalas na tawa ng dalaga.
Subalit nang tingnan niya si Marcus, seryoso ang mukha nito.
"Why don't we try?" diretsong tanong ni Marcus.
"H-Ha?" nauutal na tugon naman ni Kristine.
Unti-unting lumapit si Marcus kay Kristine, isang bagay na hindi naman maiwasan ng dalaga. Pakiramdam niya, may magnet na naglalapit sa mukha nilang dalawa. Maya-maya lang, nagsimulang maglapat ang kanilang mga labi.
Wala sa sariling pumikit si Kristine, sabay sa paglalakbay ng kamay ng binata. Sa paglalim ng gabi, namalayan na lang ng dalawa na naroon na sila sa kama. Dala ng kalasingan at nararamdaman, pinagsaluhan nila ang isang mainit na gabi, isang bagay na hindi pinagsisisihan ng dalawa.
MABILIS na lumipas ang ilang linggo, madalas na magtungo si Kristine sa mansion ng mga Montemayor upang bisitahin ang lola ni Marcus. Masayang-masaya naman ang matanda sa tuwing nandoon ang dalaga. Tila ang pagpapanggap nina Kristine at Marcus ay nauwi sa totohanan.
SUBALIT hindi inakala ng dalaga na ang masayang pangyayari sa kanyang buhay ay tuluyang magbabago.
"P-Positive?" mahinang wika ni Kristine. Kasalukuyan siyang nasa loob ng banyo at nakatingin sa hawak niyang pregnancy kit. "B-Buntis ako?"
Hindi malaman ng dalaga kung ano ba ang dapat niyang maramdaman. May nangyari sa kanila ni Marcus ngunit hindi naman siya sigurado kung mahal siya nito.
"Ms. Kristine, may gusto pong kumausap sa inyo," pagtawag ni Manang Lory habang kumakatok ito sa pinto.
"S-Sige po, manang."
Dahil sa gulat, tinapon na lang ni Kristine sa trash bin ang hawak niyang pregnancy test. Agad na lumabas ang dalaga sa loob ng CR at nang makarating sa living room, nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya si Irene na naghihintay. Iniikot nito ang paningin sa paligid.
"Anong ginagawa niya rito?" isip ni Kristine.
Mariin siyang napalunok. Alam ni Kristine kung gaano kamahal ni Marcus ang babaeng nandito ngayon. At dahil dito, napuno ng pangamba ang puso niya.
"Good morning, wala kasi si Marcus ngayon nasa opisina pa," nakangiting bungad ni Krsitine kay Irene.
"Ikaw talaga ang sinadya ko rito, Kristine," wika ng babae.
"A-Ako?"
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Alam kong alam nating dalawa kung sino ako sa buhay ng husband mo, or may I say, pretend husband mo."
"A-Anong ibig mong sabihin?" nauutal na wika ni Kristine.
Huminga nang malalim si Irene at ngumisi.
"I know everything. I talk to Marcus assistant at nalaman ko ang tungkol sa kontrata nyo. I know this is too much for you. I'm sorry kung kailangan mo pang magpanggap and take my position. But don't worry, nandito na ako and I am here to take your place," sunod-sunod na paliwanag ni Irene.
Hindi maisip ni Kristine kung ano ang itutugon sa dalaga. Tiningnan niya ang kalendaryo at tama nga ito, isang linggo na lang, tapos na ang kontrata nila ni Marcus. Wala nang dahilan upang manatili pa siya sa bahay na iyon.
"I think it is much better kung aalis ka sa mansion na ito habang wala pa si Marcus. What to do you think?" muling wika ni Irene.
"P-Pero. Kailangan ko munang magpaalam."
"There is no need. Nasabi ko na rin naman sa kanya at pumayag si Marcus."
"Pumayag siya?"
Ngumiti si Irene at tumango. Isang papel ang kinuha niya sa loob ng bag. Nanlaki ang mga mata ni Kristine nang makita ang termination letter ng kontrata nila na may pirma ni Marcus.
Parang nadurog ang puso ni Kristine nang makita ang bagay na iyon. Hindi niya akalain na ganoon kasabik si Marcus na hiwalayan siya at makipagbalikan sa dati nitong nobya. Hinawakan ni Kristine ang kanyang tiyan. Iniisip niya kung ano ang mangyayari sa bata sa kanyang sinapupunan, subalit dahil tapos na ang lahat, pinili niyang buhayin ang bata nang mag-isa.
"Naiintindihan ko," mapait na tugon ni Kristine.
WALANG kaalam-alam si Marcus sa mga bagay na nangyayari sa mansion. Excited lamang siyang umuwi habang hawak ang bouquet ng bulaklak, plano na kasi niyang ipagtapat ang nararamdaman kay Kristine.
"Sir, ang ganda ng ngiti natin, ha?" saad ng lawyer ni Marcus nang dumating ito sa kanyang opisina. "Totohanan na ba?"
Ngumiti ang binata saka tumango. Umupo sa isang sofa ang lalaki at muling nagsalita, "naks! Oo nga pala, nakausap ko 'yong ex-girlfriend mo, si Irene ba 'yun?"
Kumunot ang noo ni Marcus nang marinig ang bagay na iyon.
"Bakit daw?"
"Humingi siya sa 'kin ng termination copy ng contract nyo. I wonder kung paano niya nalaman ang tungkol doon? Akala ko nga ay ikaw ang nagpahingi."
"Contract?"
"Oo. 'Yung kasunduan nyo ng fake wife mo."
Nanlaki ang mga mata ni Marcus. Agad niyang kinuha ang bag at nagmamadaling lumabas ng opisina.
"M-Marcus!" paghabol na tawag ng lawer niya.
Agad na umuwi si Marcus sa mansion, ngunit sa pagdating niya roon, hindi na niya naabutan si Kristine. Nagtungo ang binata sa silid ni Kristine ngunit maging ang gamit nito ay wala na.
"Yung fake na asawa mo ba ang hinahanap mo?" Marahan na lumingon si Marcus nang marinig ang tinig ni Irene. "I told her to go," muling wika ni Irene.
"What the hell did you say to her?"
Mariing hinawakan ni Marcus ang magkabilang braso ng dalaga.
"A-Aray, Marcus. Nasasaktan ako!"
"Masasaktan ka talaga kung hindi mo sasabihin sa 'kin kung anong sinabi mo sa kanya!" galit na galit na sabi ng binata.
"I told her to go! Tapos na kayo, 'di ba? She didn't even insist at maluwag siyang umalis ng bahay. Ano bang problema mo? Mahal mo ba talaga ang babaeng 'yon?"
"Oo! Mahal ko siya! Mahal na mahal! And I don't know where the hell did you get that contract information, pero wala na akong pakialam doon! It's not about the contract anymore. I love her and only her!"
"A-Ako ang mahal mo, 'di ba?"
"Noon 'yon, Irene! Hindi na ngayon! Kristine changed me!" sunod-sunod na bulyaw ng binata.
Maya-maya lang, napansin ni Marcus ang hawak ni Irene.
"What's this?"
Mabilis na kinuha ni Marcus ang papel na iyon. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang termination letter na mayroong pirma.
"You tampered my signature?" muli na namang galit ng binata.
"M-Marcus, let me explain!"
"Magkano ang kailangan mo? Bakit kailangan mo tong gawin, Irene?"
Agad na lumakad palayo si Marcus, subalit bago pa siya tuluyang makaalis, muling nagsalita si Irene, "because I need your help, Marcus. I was scammed! Niloko ako ni Dave. I thought he was better than you, pero nagkamali ako. I'm sorry, Marcus! Walang-wala na talaga ako."
Halos lumuhod sa sahig si Irene. Noon nalaman ni Marcus ang tungkol sa nangyari sa dalaga, kaya ito nais bumalik sa kanya.
"You were dumped and because of that, gusto mong bumalik sa 'kin? Alam mo ba na halos mabaliw ako nang mawala ka?" Mariing kinuyom ni Marcus ang kamay niya. "I'm sorry, Irene. We are done. Hintayin mo na lang ang ikakaso ko sa 'yo because of falsification," muling wika ni Marcus saka mabilis na lumakad palayo.
Naiwan si Irene na nakatulala at halos maubos ang luha sa kaiiyak.
Palabas na sana si Marcus sa mansion nang tawagin siya ni Manang Lory.
"Sir, nakita ko po ito sa basurahan ni Ms. Kristine. Sa tingin ko po ay kailangan nyo itong malaman."
Binigay ni Manang Lory ang pregnancy test na itinapon ni Kristine. Nanlaki ang mga mata ni Marcus sa nakita. Doon niya mas napagtantong hindi niya maaaring pakawalan ang dalaga.
"Salamat, manang," ani ni Marcus na nagpangiti naman kay Manang Lory.
Mabilis na pumasok si Marcus sa kanyang kotse at nagtungo sa mga Violago. Doon ay naabutan niya ang daddy ni Kristine na ngayon ay fully recovered na.
"S-Sir, nandito po ba si Kristine?" diretsong tanong ni Marcus sa daddy ni Kristine.
"Ikaw si Marcus, hindi ba? Ang tagapagmana ng mga Montemayor?" tugon nito.
"O-Opo."
"Madalas kang ikuwento ng anak ko. Alam ko rin na ikaw ang tumulong sa 'min. Mabuti at nakilala na kita. Salamat, hijo."
"W-Wala po 'yon, sir."
"Glen, tawagin mo akong daddy Glen dahil para mo na rin akong ama."
Napangiti si Marcus nang marinig iyon. Hindi niya akalaing tanggap siya ng magulang ni Kristine at alam nito ang lahat ng kanilang ginawa.
"As for your question. Wala na rito ang anak ko, hijo. Nagtungo siya sa New york upang magbakasyon. Alam kong biglaan pero nagmamadali siya kanina."
Bumagsak ang balikat ni Marcus nang marinig ang bagay na iyon. Kahit nais pa sana niyang makipagkuwentuhan sa daddy ni Kristine, hindi na niya magawa dahil nagmamadali siyang nagtungo sa airport.
"S-Salamat po, dad. Sa susunod na lang po tayo magkuwentuhan," pagpapaalam ni Marcus.
Nakangiting tumango naman ang daddy ni Kristine.
Sa pagdating ni Marcus sa airport, hindi na niya naabutan pa si Kristine. Lugmok sa kalungkutan ang binata nang bumalik siya sa mansion. Subalit hindi siya napigilan ng pangyayaring iyon.
BAGO siya magdesisyong sundan ang dalaga sa ibang bansa, inayos niya ang mga bagay sa Pilipinas.
Tuluyan niyang sinampahan ng kaso si Irene. Tinanggal niya sa posisyon ang assistant na nagsiwalat ng tungkol sa kontrata. Kinausap ni Marcus ang lola at mga magulang niya tungkol sa pagpapanggap na nagawa nila ni Kristine.
Subalit imbes na magalit, natuwa ang kanyang lola dahil sa pagiging honest nito. Malaki rin kasi ang pinagbago ng binata.
"Apo, naiintindihan ko naman ang ginawa mo. Simula palang alam ko nang hindi mo siya asawa."
Nanlaki ang mga mata ni Marcus dahil sa sinabi ng kanyang lola.
"P-Po? Paano nyo po nalaman?
"Hindi ka kasi magaling umarte," natatawang wika ng matanda. "Pero ang mahalaga, mahal mo na siya, hindi ba?" pabirong wika nito.
Tumango si Marcus na animoy nahihiya.
"Ano pang ginagawa mo rito? Sundan mo na siya! Handa na kaming magkaroon ng apo!" excited na wika ng matanda.
"Lola talaga!" kamot ulong wika ni Marcus.
Walang sinayang na sandali si Marcus. Agad siyang lumipad patungo sa new york.