Final Chapter

536 Words
SAMANTALA, animoy naglalakad sa buwan si Kristine habang lumilibot sa times Square. Abala ang mga tao sa paligid at maririnig ang kasiyahan mula sa kinaroroonan niya. Maya-maya lang, kumunot ang noon i Kristine nang may isang bata ang lumapit sa kanya. "Congratulations," pagbati ng bata saka binigay ang isang white rose. "Well, thank you. But, for what?" Hindi tumugon ang bata. Agad lang itong tumakbo palayo sa kanya. Nagkibit-balikat na lang si Kristine at muling naglakad. Maya-maya lang, isang bata na naman ang lumapit sa kanya. "Congratulations, ma'am," muling pagbati ng isa pa, saka muling tumakbo palayo. Sa pagkakataong ito, mas naguluhan si Krsitine sa mga nangyayari. Hawak ang dalawang bulaklak, nagpatuloy siya sa paglalakad. Hanggang sa isang bata na naman ang humarang sa kanya, may dala itong dalawang white roses. "That man ask me to give this to you," saad ng bata, saka tinuro ang isang lalaking nakatalikod. Hindi na nakapagtanong pa si Kristine dahil tulad ng ibang bata, agad na rin itong tumakbo. Lumakad si Kristine patungo sa lalaking tinuro ng bata. "Excuse me, sir. Why did you give me this flowers?" tanong niya. Dahan-dahang humarap ang binata. Nanlaki ang mga mata ni Kristine nang mapagtanto kung sino ito. "M-Marcus? Anong ginagawa mo rito?" gulat na gulat na wika ng dalaga. "Ikaw ang dapat kong tanungin niyan. Bakit ka nandito? Bakit umalis ka nang walang paalam?" malambing ngunit maotoridad na tanong ni Marcus. "K-Kasi–" "I'm just kidding," pagputol ni Marcus. Marahang hinawakan ng binata ang kamay ni Kristine, saka diretsong tiningnan ang mga mata ng dalaga. "I know what happen. Alam kong pinuntahan ka ni Irene nang araw na iyon. Listen to me, she's lying. Wala akong pinirmahan, Kristine. Wala akong planong tapusin ang kontrata natin and I would love spend the rest of my life with you," sunod-sunod na paliwanag ni Marcus. "P-Pero akala ko–" "I love you. Ikaw lang ang mahal ko, Kristine." Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ng dalaga. Tila ang sakit na noo'y naramdaman niya ay tuluyang nawala. "Sandali nga! Bakit? Sinabi ko bang gusto kita?" natatawang wika ng dalaga. "Bakit? Hindi ba?" "G-Gusto!" Impit na tawa ni Kristine. "Why don't you open the papers on the flowers?" "Sabi ko na sa 'yo to galing, eh." Nang tiningnan ni Kristine ang hawak na bulaklak, noon niya lang napansin na may papel pala rito na nakatali sa hawakan. Isa-isa niya itong binuksan at nagulat nang mabasa ang nakasulat. "Will you marry me?" Ito ang nakasulat sa apat na papel na nasa kanyang kamay. Sa pagbalik ng kanyang tingin kay Marcus, nagulat siya nang makitang, nakaluhod na ito sa kanyang harapan. "M-Marcus?" "Kristine, will you marry me? Ayoko na ng kunwari lang. Gusto ko nang totohanin ang lahat," aniya. Nagsimulang pumatak ang luha ng dalaga. Hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman, pero sa mga oras na iyon, tila lumulutang ang mga paa niya sa alapaap. "Y-Yes, Marcus," tugon ni Kristine, saka mahigpit na niyakap ang binata. SIMULA nang araw na iyon, napuno ng pagmamahal ang dalawa. At makalipas lamang ang ilang buwan, tuluyan silang kinasal. Nagsilang ng isang malusog na sanggol na lalaki si Kristine, bagay na labis na kinatuwa ng lola ni Marcus. Wakas...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD