Pagpasok ni Victoria sa banyo ay agad niyang binuksan ang shower na tila ba matagal na ring di nagagamit dahil bahagya ng kinalawang ang mismong bukasan nito. May mga naiwan pang mga alikabok, kaunting agiw at sapot ng gagamba na halatang nakaligtaan lamang alisan dahil sa pagmamadaling malinis at mabawasan ang dumi sa loob. Ang kuwarto kung saan siyang naging silid niya noong siya'y bata pa ay nanatili sa dati nitong ayos mula nang iwan niya at base na rin sa kanyang pagkakaalala. Matapos maalis ang mga suot na damit ay itinapat niya ang pagod na katawan sa tubig. Bahagya pa siyang nagulat dahil napakainit ng lumalabas ngunit di kalaunan ay nababawasan na rin hanggang naging maligamgam na lamang. Hinayaan niya malinisan ang dumi sa buo niyang katawan na nagmula sa nagdaang labanan. Ang