Kalahating oras na ang dumaan. Nasa sala at magkaharap na nakaupo sa pang-isahang upuan sina Victoria at Azrael. Tahimik lang ang binata habang pinapanood si Victoria sa paglilinis ng kanyang mga armas. Tumunog na ang relong suot ni Victoria sampung minuto na ang nakakaraan, sinyales na nakarating na sa kanilang destinasyon ang mga magulang niya at si Cole sa lugar na minarkahan niya kung saan lalapag ang chopper na susundo sa kanila. Tahimik siyang nagdarasal na sanay hindi sila masundan ng sinuman at makaalis sila roon bago pa man makarating ang mga alagad ng anim at habang abala sa paglilinis ng kanyang mga sandata ay ilang beses niyang pasimpleng nililingon ang binata na nasa kanyang harapan at siya'y pinapanood. Kanina pa ito balisa, nang tanungin niya kung anong problema ang sago