Nang maalis na ni Victoria ang Binhi sa lalaki ay nawalan ito ng malay. Natumba na lamang sa kalsada at masama pa ay nasa parteng gitna pa. Hinila niya sa ito sa may gilid ng daan upang hindi naman ito mahagip ng mga daraang mga sasakyan at baka ikasawi pa niya kapag hindi siya napansin at siya'y magulungan. Sa nipis pa naman ng katawan nito na halos buto't balat na lang. Iniwan niyang nakasandal sa may puno ang lalaki. Isinandal niya't tinayak na kahit papaano naman ay makabawi siya roon ng lakas at maging komportable dahil tiyak siyang bukas na ito magigising. Bumalik siya sa sasakyan at tinignan ang tumatawag kanina. Nakadalawa ito at numero lang talaga. Tinawagan niya upang malaman kung sino, dahil ayon sa numero ay taga-Pilipinas ito. "Hello?" Sagot ng babae mula sa kabilang linya