ILANG minuto pa ang pinalipas ko bago ako nagbukas ng bibig at akmang aalis sa pagkakaupo sa kaniya. “P-papasok na ako sa loob-” “We still have to talk.” Napalunok ako nang mariin at tumango. “I have nothing to say to you. Sabihin mo na lang ang sasabihin mo.” “The summon is fake. Ihaharap ko sa’yo ang sinumang gumawa at nagpadala noon.” Natigilan ako at pinagmasdan siya. His lips were red and slightly parted. His eyes were intent as they gazed back at mine. “P-paano mo nasabing fake? Nasa abogado ko na ang papel at kausap ko lang siya kanina.” “I can’t believe that your lawyer overlooked the lapses. Ano bang klaseng abogado ang inirekomenda sa’yo ng amo mo? Ask her to review the summon.” Napakurap-kurap ako. Hubo’t hubad pa kami ni Matthew pero, parang balewala na ang sitwasyon da