ILANG beses akong tinanong ni Matthew kung ayos lang ako habang nasa biyahe na kami. Marahil ay napansin niya na bigla akong tumahimik. Gusto kong sabihin na narinig ko ang mga sinabi niya sa kausap kanina sa cellphone. Gusto kong kumpirmahin sa kaniya kung tama ang iniisip ko, pero natatakot ako. Iisipin ko na lang siguro na binalak talaga ni Matthew na ipa-void ang kasal namin, pero nagbago ang isip nito nang magkita kami. Pag-uwi ay nagbihis na muna ako ng pambahay at itinago ang regalo ko kay Joshua. Ang kay Matthew ay naiwan sa kaniya at dahil hindi na kami nag-usap masyado kanina ay hindi ko na naitanong kung paano niya iyon ibibigay sa alaga ko. Kunsabagay. Pwede naman siyang mag-utos na dalhin dito sa bahay ang mga regalo niya. Nadatnan ko si Joshua sa kwarto niya at kalaro si