I FROZE. Matagal akong napatitig kay Atty. Zamora bago ko narinig ang nagugulat na tanong ni Ma’am Celine. “What? Gigi, you’re married? You're Mrs. Gamboa?” My lips parted. Hindi ako nakasagot. Namimilog pa rin ang mga mata ko habang palipat-lipat ng tingin sa mag-asawa. “Grant! Dumating na pala kayo?” Nawala agad sa akin ang atensiyon ni Ma’am Celine habang ilang segundo pa kaming nagkatinginan ni Atty. Zamora bago nito nilingon ang nagsalita. “Mr. Perez, how are you? We arrived a few minutes ago.” He was now smiling. Pero hindi ko pa rin maalis ang kaba ko habang pinanonood si Atty. Zamora. Probably, sinabi ni Matthew dito ang tungkol sa amin. “I’m so glad to see you and your family!” nakangiting wika ni Mr. Amado na nakipag-handshake kay Atty. Zamora bago kay Ma’am Celine. Nakita