“A-ANO bang sasabihin mo?” gusot-kilay na tanong ko kay Matthew. “Gigi, I will have to talk to your lawyer.” Natilihan ako sandali. “Bakit pa? Inaayos na niya ang tungkol sa finile mong petition.” “May lapses sa papel. Hindi ba niya 'yon nakita? Hindi niya ba ipinaliwanag sa’yo? Anong klase siyang abogado?” “Anong klase ka rin bang abogado, Matt? Kung magsalita ka, parang ikaw lang ang may alam.” “I just want to prove you that I have nothing to do with it. I only want you back, Gigi.” “Pinag-usapan na natin ito, ‘di ba?” “Yeah. Pero hindi ko na kayang makita ka na malayo sa ‘kin. Sayang ang panahon. Dapat ay inaasikaso na natin ang magkaanak at magkapamilya.” “Bakit hindi noong nasa Irosin tayo?” naghahamon na tanong ko. Natigilan sandali si Matthew. “Anong bakit hindi? I did my b