Chapter 65

1573 Words

ILANG sandali akong tulala. Hindi ko alam kung manhid na ba ako o hindi ko lang alam kung ano pa ba ang dapat kong maramdaman. Ang dami nang bagay na nakasugat sa damdamin ko mula nang mahalin ko si Matthew. Bawat lihim na nabubunyag sa harapan ko, hindi ko mapigilang umiyak pero, sa pagkakataon iyon, tuyong-tuyo ang mga mata ko. Pero alam kong nasasaktan ako. “K-kukunin ko lang ang first aid kit, Sir,” ang tanging nasambit ko maya-maya at mabilis na tumalikod bago pa muling makapagbukas ng bibig ang amo ko. Ilang minuto ang pinalipas ko bago ko binalikan si Sir Nick sa kusina. Nakita kong nakayukayok siya sa mesa. Pumasok ako bitbit ang first aid kit. Nag-angat naman siya ng ulo nang marahil ay maramdaman ang aking presensiya. Naupo ako sa silya sa tapat niya. Binuksan ko ang kit at

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD