PAGKATAPOS naming mag-usap ay hindi ako nakatiis na tawagan ulit si Gigi. This time, hindi lang siya basta hindi sumasagot sa tawag. Her number was now unreachable. Lalo akong hindi napakali kaya hindi na ako nagdalawang-isip. Nagbihis ulit ako at lumabas ng unit. Sumakay ako ng elevator pababa sa basement, sumakay sa kotse at nagmaneho papunta sa bahay ng mga Arevalo. Pagdating sa tapat ng gate ay bumaba agad ako at nag-door bell. Pinagbuksan ako ng gwardiya. “Gusto kong makausap si Gigi.” Umiling ang bantay. “Sorry, Sir. Mahigpit po ang bilin ng may-ari na h’wag kang papasukin.” “Are you deaf? Ang sabi ko, gusto kong makausap si Gigi. Wala akong balak pumasok. Kailangan ko lang makausap ang asawa ko kaya tawagin mo agad siya para labasin niya ‘ko rito!” “Sino ba ‘yan?” sabi ng tini