PAGKAPIRMA sa logbook ay ibinalik na sa akin ang mga gamit ko. Anim ang pumunta kanina para damputin ako, pero ni isa sa mga ito, hindi ko makita paglabas ko sa selda. “Thank God we’re going home, Hijo!” sambit ni Madam Emilia at mahigpit akong niyakap. I could still sense her anxiousness and I felt guilty for causing it to her. Magagawan ko naman ng paraan na itago sa kaniya ang nangyaring ito kung hindi lang ako pinangunahan ni Grant. “I’m sorry for what happened.” Mataman ko siyang pinagmasdan habang hawak niya ako sa magkabilang pisngi. “Don’t apologize for other people’s mistake, Hijo. Magtutuos kami ng Amado na ‘yan.” “Nagreklamo siya dahil nakagambala ako sa kanila. Palampasin mo na lang ‘to.” “No! Hindi ko ‘yan gagawin!” matigas na sagot ni Madam Emilia. Mataman niya akong