Chapter 47

1304 Words

NASA hardin si Mr. Amado nang dumating ako. Ibinilin talaga ng matanda kay Ate Duday na pagdating ko galing sa bahay ng mga Zamora ay dumirecho ako sa kaniya para i-report ang nangyari. “Sir, nandito na po ako.” “Maupo ka.” Sinunod ko agad siya at naupo sa katapat niyang stool. “Ano’ng balita? Nakaharap mo ba si Grant?” “Opo, Sir. Sa kaniya ko mismo iniabot ang invitation card.” Ngumiti si Mr. Amado. “Mabuti kung gano’n. Anong sagot niya? Makakarating ba silang mag-anak?” Tumango ako. “’Yon po ang sabi ni Atty. Zamora.” Ngumiti si Mr. Amado. “Good. May isang salita ‘yang si Grant kaya naniniwala ako.” Tumahimik siya at tumingin sa tubig ng pool. Wari ko ay may iniisip si Mr. Amado. Siguro naman ay wala na siyang sasabihin. Akma akong tatayo para magpaalam pero, nagsalita ulit siya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD