ANIMO nayanig ang aking kinatatayuan. Ni sa imahinasyon ay hindi ko naisip na makikita ko siya rito. A lump seemed to have formed inside my throat. Kinailangan ko tuloy lumunok nang mariin habang lakas-loob kong sinasalubong ang tingin niya. Like me and the other guests, Matthew was also slowly clapping his hands. Na mas lalo pang bumagal hanggang sa tuluyang huminto habang titig na titig siya sa akin. Halata sa mga mata ni Matthew na nagulat siya. Hindi nga lang siguro kagaya ng gulat ko dahil bago pa ang event na iyon ay alam na naman niya kung nasaan ako. It’s no longer surprising for him to see me anywhere in this city. Kabaligtaran ko na nabigla talaga at medyo nanginginig pa nang makita siya. Of all the occasion. Sa charity concert pa talaga na iyon? Pwede namang sa araw na lan