Chapter 30

2342 Words

NAKALIGO at nakabihis na ako nang tawagan ko kinabukasan si Tita Donna. Agad naman itong sumagot. "Gigi, napatawag ka?" “Oo, Tita. Gusto ko lang ipaalam na narito sa ngayon sa bahay si Ate Candy.” “Ano?” gulat na tanong ng nasa kabilang linya. “At ang loka-lokang ‘yan, diyan pa talaga nagpunta pagkatapos akong layasan kagabi?!” “Gano’n na nga po,” kalmadong sagot ko. “Umiiyak siya kagabi nang magpunta rito. Tita Donna, baka pwedeng kausapin mo naman si Ate Candy at kumbinsihin na umuwi na riyan? Kung pwede rin sana, h’wag mo siyang madaliin sa paghahanap ng trabaho. Sadyang mahirap makahanap ng trabaho ngayon.” “At bakit hindi ko siya mamadaliin? Bukod sa ibinibigay ng asawa mo, wala naman kaming ibang inaasahan na mag-aakyat ng pera sa bahay. Isa pa, paanong hindi ako magagalit sa b

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD