NAGUSOT ang noo ko sa sinabi ni Ate Candy. Matthew? Kahapon lang ay Attorney ang tawag niya sa asawa ko. Hindi ko narinig na sumagot si Matthew. Ibinaba nito ang hawak na folder at kinuha ang tinidor. Nilagyan niya ng kanin at bacon ang pinggan ko. “Ang sweet naman! Sana lahat ng lalake ganiyan!” Hindi ako nagkomento. Mukhang hindi naman napansin ni Ate Candy ang pagtabang ng mukha ko dahil nakatuon na ang pansin niya sa pagkain. "Kumain ka na." Tumango ako at sinunod ang sinabi ng aking asawa. Kaya lang ay parang walang lasa ang kinakain ko. “Ang sarap nitong hotdog, Gigi! Iba talaga ang lasa kapag mamahalin, ano?” nakangiting komento niya at saka kumagat sa hotdog na nasa tinidor. Habang nawawalan ako ng gana ay sunod-sunod naman ang subo ni Ate Candy. Hinawi pa niya ang buhok s