HINABOL ko ang inihagis na bola ni Joshua at tinalon upang masambot. Pagkatapos ay ako naman ang naghagis noon para saluhin ng aking kalaban. Kasalukuyan kaming nasa hardin at kanina pa naglalaro at aaminin kong nag-e-enjoy talaga ako sa aking ginagawa. Ang sarap bumalik sa pagkabata. Noon kasi ay limitado ang aking paglalaro dahil mas madalas na nasa bahay ako at tagatanggap ng utos ni Tita Donna. Ngayon ko lang parang nararanasang maging bata habang kalaro si Joshua. “Gigi, catch!” sigaw ulit ni Joshua pagkatapos nitong ibato ang bola nang mas malayo. Tinakbo ko ang malawak na garden upang abutan ang bola bago pa ito lumapat sa damuhan. Subalit sa pagtakbo ko ay hindi ko napansin ang isang bato at nang maapakan ko iyon ay hindi ko napigilang masaktan at mawalan ng balanse. Nadapa ako s