NAKANGITING mukha ni Gio ang bumungad sa akin paglabas ko ng kwarto. Tipid akong ngumiti bago lumapit at tumingin sa kasama niya na nakaupo na sa mesa. “Good morning. Pasensiya na kayo. Nahuli ako ng gising.” “Ayos lang ‘yon, Gigi.” “Basta mamaya sa kwarto na ako matutulog,” sabat ni Baste pero, sinaway ito ni Gio. Kaibigan ni Gio si Baste at kasamahan sa isang construction firm kung saan pareho silang apprentice. Ito rin ang kasama niya sa maliit na boarding house na iyon sa Sorsogon City. May isa pa raw silang kasama sa bahay pero, kasalukuyang nasa trabaho sa katabing bayan at lingguhan kung umuwi roon. Maliit lang ang paupahang bahay at iisa ang kwarto na may dalawang double deck. Doon ako pinatulog ni Gio habang sila ni Baste ay sa labas. Pinalitan pa ni Gio ang kubre-kama at m