Three years later... “HOW’s my baby boy?!” “Daddy!” tili ni Joshua nang makita nito ang daddy niyang si Engr. Dominick Arevalo na papasok sa living room ng bahay. “Baby!” Lumuhod naman si Sir Nick at malawak na dumipa upang salubungin ng yakap ang anak. Pinupog agad nito ng halik sa ulo at mukha si Joshua. Tumayo ako at pinanood ang dalawa. A week ago nang makabalik kami sa Maynila mula sa isang buwang pananatili sa Baguio City. Hindi kasama si Sir Nick sa aming pag-uwi. Ilang araw pa itong nanatili sa siyudad bago dumirecho naman sa Singapore para sa ilang business commitments. “Marami akong pasalubong sa’yo!” masayang balita nito sa anak. “Really? Are there monster truck toys?” “Of course!” “Yey!” Mula sa binabasang diyaryo ay nagtaas ng tingin si Mr. Amado Perez, ang biyenan