KUMUSTA ka naman, Gigi? Sa weekend pupunta ako sa Maynila para makita ka. Sana available ka. Nang gabing iyon ay ka-text ko si Gio. Engineer na ito at nasa isang pribadong construction firm na may opisina sa Maynila. Pero mas madalas na sa probinsya ang assignment ni Gio kaya madalang kaming magkita. Lalo na nitong nagdaang mga buwan dahil nagbakasyon kami sa Baguio. Me: Okay naman ako, Gio. Hindi ko lang sure kung makakaalis ako sa weekend. Nangako kasi ako kay Crystal na babawi ako sa kaniya. Kapag kasi may pasok, siya lang halos ang nag-aasikaso sa bata. At dahil sembreak pa namin, nakatutok lang talaga ako kay Joshua. Isa pa sa ipinagpapasalamat ko kay Ma’am Lizette ay pinayagan niya akong mag-aral habang nagtatrabaho sa kanila. Kaya naman sobrang laki ng utang na loob na habang buh