“AYAW mo bang bigyan ng chance si Mr. Amado na maging ama sa’yo? Sa tingin ko, nagsisisi talaga siya sa ginawa niyang pagtalikod noon kay Ma’am Emilia,” wika ni Gigi habang nakahiga kami. Napahinto ako sa paghaplos sa buhok niya. Isang linggo na ang lumipas mula nang magsama ulit kami. The happiness that I felt was beyond words. Parang hindi kami nagkahiwalay ng ilang taon. Parang hindi dumaan sa unos ang aming pagsasama. “Does it matter now? Kahit magsisi siya, hindi na maibabalik ang mga panahon. Ilang dekada na ba ang lumipas na inakala ni Mr. Perez na wala na ako? I don’t think the truth will change something in his life.” “What if mali ka ng akala? What if malaki ang nagbago ngayong alam niyang buhay pala ang anak niya?” Natigilan ulit ako at pagkatapos ay umiling. “I don’t know