“I DON'T think he will provide us the footage. Alam mo naman ang sitwasyon namin ng dating amo ni Gigi. Hindi ko na rin pwedeng gamitin laban sa kaniya ang tungkol sa statement ng kaibigan niyang abogado. Sapat nang pumayag siya na madalaw lagi ni Gigi ang pamangkin ko.” Napahinto ako sa pagpasok sa kwarto nang marinig ko si Matthew. Nakauwi na kami sa condo at katatapos ko lang maghanda ng aming hapunan. Sinilip ko siya at nakitang may kausap siya sa cellphone. Hindi ko lang alam kung sino iyon pero, ang sigurado ko ay may kinalaman sa akin ang pinag-uusapan nila. “Balitaan mo na lang ulit ako, Jude. Pasasaan ba’t mahuhuli rin natin kung sino ang nagpadala ng pekeng summon kay Gigi.” Tapos na siyang makipag-usap nang tuluyan akong pumasok. Pagkakita sa akin ay lumapit agad si Matthew