“PAGTULUNGAN ninyong kunin ang mga gamit niya sa trunk ng kotse ko at dalhin sa guest room,” utos ni Senyorito Matthew sa dalawang kasambahay na sumalubong sa pagdating namin sa Villa Isabelle. Agad namang sumunod ang dalawang babae at iniwan kami. Nilingon ako ni Senyorito Matthew. Hindi ko alam kung paano niya ako nakumbinsi na sumama sa kaniya sa bahay na ito. Ayoko sana dahil halos alam ko na ang magiging reaksiyon ng pamilya niya pero, kapag ginagamitan ako ng tila galit at nanunumbat na tono ni Senyorito Matthew, pakiramdam ko ay may kasalanan ako sa kaniya at wala akong karapatang umangal. “Matthew, you’re here!” Isang pamilyar na boses ang pumutol sa titigan namin ng abogado. Nakita ko si Ma’am Samantha na palapit sa aming direksiyon. “Are you finally back, Hijo? Tamang-tama n