NAKALAYA man ako sa kulungan, para naman akong bilanggo sa guest room. Magtatanghali na ay nasa loob lang ako ng kwarto at hindi makalabas. Pag-alis ni Senyorito Matthew kanina ay sinubukan kong tumulong sa trabaho ng mga kasambahay, pero inawat ako ng mayordoma. Ikagagalit daw ni Don Hernando kapag nakita akong gumagawa ng gawain ng mga katulong. Nang sabihin iyon ng mayordoma, natakot ako at hindi na ipinilit ang gusto. Pumasok na lang ako sa guest room at nakipagpalitan na ulit ng text message kay Melba. Melba: Lumabas ka kaya? Magkita tayo para maikwento mo sa’kin nang buo ang nangyari. Nagreply ako. Ako: Hindi ko alam kung pwede akong lumabas. Baka hanapin ako ni Don Hernando kapag hindi ako sumipot sa tanghalian. May umiiral na batas dito sa villa. Pahapyaw kong ibinalita sa ka