“TOTOO ang sinasabi ko, Tita Donna,” umiiyak na wika ko sa aking madrasta. Gulat na gulat siya kanina nang makita na dala ko ang mga gamit ko. Naitanong agad niya sa akin kung iniwan ba ako ni Matthew. Oo, iniwan ako. Inihatid at iniwan sa bahay ng madrasta ko at ng kapatid. “Bakit naman ‘yon gagawin ni Candida? Hindi ba siya nag-iisip?” “Hindi ko po alam pero, ginawa na niya. Siniraan niya ako kay Matthew. Pinalabas ng anak mo na may relasyon ako sa anak-anakan ni Ma’am Samantha. Ayaw akong pakinggan ni Matthew. Hindi ko alam kung paano ko siya papaniwalain na hindi totoo ang bintang ni Ate Candy.” Tingin ko ay malaking problema rin kay Tita Donna ang nangyari. Siguro inaalala nito na mapuputol ang sustento at suporta ni Matthew. Palakad-lakad siya sa harapan ko. Hindi mapakali at pan